Ang daming naglalabasan lately na book reviews pero karamihan ay work ng mga newbie writers ang featured. Feeling ko (feeling ko lang, take note), kaya nag-proliferate ang mga reviewers bigla eh dahil din sa dami ng nababalitaan kong tsismis kung paano nakakapanghinayang bilhin at basahin ang inilalabas na lathala ng mga baguhan. Na parang hindi nag-isip nang mabuti ang nagsulat. At feeling ko pa din, kaya naglabasan ang mga reviews na ito ay hindi talaga para i-bash ang nire-review nila, rather para gawing wake up call ang reviews na ito para maging mas maingat ang manunulat. Personally, reading the reviews and commentaries, I can’t help but feel sad, annoyed, disappointed, super frustrated …. over everything.
1) The writer / author
Valid naman ang dahilang pinasok mo ang larangang ito dahil sa sweldo at kita. Ako din naman, iyon ang pinagsimulan ko. Bitin ang sweldo ko noon, eh. Pero bilang alam ko na isa akong manunulat talaga, ibang field nga lang, naglakas-loob akong dito naman sa paggawa ng nobela kumiling. So, go. Pagkakitaan mo ang industriyang ito. Maraming batikang manunulat ang naging kaibigan ko na ito ang bread and butter.
Pero alam mo ba ano’ng kaibahan natin? Namin sa iyo? Naiinis ako at gusto kitang alugin at gusto ko iuntog ang ulo mo sa kongkretong pader because you impress on me, through your words and your ethics, na wala kang kahit anong respeto at malasakit sa industriyang ito.
Writing is art. Writing is passion. Oo, maaring sabihin natin na romance lang naman ito. Hindi academic, hindi din naman pang-classic. But still, one uses his/her creativity in this popular art. And art deserves your respect. Our respect. When you put out your work, consider the audience. Consider your readers. Yes maaaring hindi lahat matuwa or ma-appreciate ang gawa mo dahil kani-kaniyang taste nga ‘yan. And yes, you have every right to come up with your own versions, you have every right to compose stories for your own personal satisfaction.
Pero naman. Never ever insult your readers’ intelligence by giving them crap. Never ever waste their time by coming up with something that will make them wish they’d never known you. And when you do this? When you come up with these crappy things? Know that it affects all of us. All of us in this industry dahil ang matatatak na naman sa isip ng buying public is that Tagalog Romance pocketbooks are trashy. They’re not. We’re not.
2) The reader
Friend mo si writer? Wow! Kaya pala hangang hanga ka sa kaniya. Pero alam mo, hindi nakakatulong na manghang mangha ka samantalang wala palang saysay ang nabasa mo na gawa niya. O baka naman di mo alam kung ano’ng pangit kumpara sa pwede na at sa maganda talaga? Ano ba yan?
Kababasa ko lang sa Twitter feed, The sweetest of all sounds is praise. Yes, I agree. At alam ko na iyon ang role niyo bilang kaibigan. Pero alam ko din, sobrang papuri din ang sisira sa idol mo. Sa kaibigan mo. Mabuti kung may kapasidad siya i-handle ang ego niya.
3) The editor
I have so much respect for editors. To me, they’re my boss. Mga nilalang na nagbabantay kung nasa tamang landasin pa ba ako o lumilihis na. Nakaka-frustrate iyong ganitong may nababasa tayong reviews ng badly written work dahil bumabalandra iyan sa inyo. Ano’t nakalusot ang ganiyan sa panunuri mo? Bakit? Dahil ba kaibigan mo si writer? Dahil ba you don’t know any better? Eh bakit ka naging editor? Palagay mo sapat nang sumunod sa formula ang sinulat ng sinisinta mong writer?
Dahilan mo din ba na pagod ka na at masyadong maraming ginagawa? Eh, sa totoo lang hindi naman ‘yan excuse. Busy naman tayong lahat. Sa kahit anong larangan, kapag may tinanggap tayong trabaho, sana gawin natin nang tama. Sana ‘wag ‘yung pwede na, ‘di ba?
Naman eh. I get it that we need to encourage and nurture these young writers. They need us so they can develop their talent and love for writing. Pero ayun nga. What kind of guidance do we give the young wards kung hindi mabibigyan at masa-subject sa tamang parameters ang mga gawa nila? Simple lang naman ‘yan sa palagay ko. The young writers don’t have, they don’t need to come up with masterpieces. Hindi naman pang-Palanca ang kailangan nilang ilathala. At least not yet. Pero yun nga, Simpleng sensible at credible lang sana ang gawa nila bukod sa sumu-swak sa formula. Okay na sana ‘yun. ‘Di ba natin nage-gets na kapag hindi nila nare-realize na hindi credible ang ginagawa nila, hindi sila a-advance sa gusto nilang gawing career?
Finally, alam niyo, it pays to give them a hard time. They learn to appreciate what they’re doing. They learn the discipline. Experiencing difficulty will expand their skill, not their ego. I know I did. I learned the ropes through rejection. I learned to be better because of red marks on my manuscript. And I am so thankful that I went through all that because right now, I may not be as popular as these newbies, but I do know I will not get such bad reviews as theirs.
I hope really na magkaroon ng solusyon ito. I’m not out to eradicate newbies. We need new blood. They need the fulfillment of their dreams.
But I’m out to eradicate trashy work. I hope you are, too. I love this career. I love this industry. I hope you do, too.