napanaginipan kita
kung ikaw nga iyon
na nakasama
nayakap
nahagkan
nakaniig
sana nga ikaw
iba kasi ang iyong galaw
iba ang anyo
iba ang tawag ko sa iyo
pero baka ikaw nga rin
init mo ay pamilyar sa akin
pati haplos ng iyong palad
ang kinis ng iyong balat
panaginip nga ba iyon
o paghingi ng pag-asa
na sana, balang araw
ikaw ang makasama…
Comments