WiP [Work in Progress]

Thoughts and ramblings of a Filipino author

  • About
  • Bookshelf
    • Self-published
  • Blog
  • Archive
  • Contact

My genre is romance… etc…

July 24, 2013 • Leave a Comment

Read a post from Writer’s Write [dot] com and I’m reposting it here. The post discusses crossing over genres but I guess this applies not just for making decisions on what genre you should go into, but generally how you should arrive at decisions when putting in details for your novel.

  1. Why are you doing this? Have you read somewhere that dystopian fiction is the way to go and now you want to force your cute, young-love, farm story into a book about a city destroyed by robots?
  2. Does it advance the plot? Or does the story work just as well or better with one genre?
  3. Does it affect your characters? Putting a medieval princess in a current day setting will force her to change? Is that what you want?
  4. Do you know both genres well enough? Don’t try to bluff your way into a genre. Readers like genre because it’s familiar. It’s like pretending to be a Star Wars fan at the annual convention. It won’t end well.
  5. How does it affect your dialogue? Will your characters be able to understand each other or do you have to create a whole new language? This can either add to the conflict or take away from your plot. We can’t all have a Babel fish, but it was a great way to solve Arthur’s problem. How will you deal with it?
  6. If you choose genres that are opposites will you be able to entice the ‘other’ genre’s readers? Romance readers are generally not crazy about eviscerated corpses and horror readers don’t care about the butterflies in the heroine’s tummy. It is not impossible, but think about it.

Let’s not get too carried away, okay? It’s fun coming up with plots that boggles the mind but make sure your own mind isn’t all boggled, ya?

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Kapag madaling araw na…

July 22, 2013 • Leave a Comment

Mag-isa kasi ako sa bahay, eh. Tapos mahilig ako magtrabaho ng madaling araw hanggang masikatan na ako ng araw. Usually, kapag ganitong dis-oras, marami na akong naiisip na kung ano na pwede namang walang kasagutan pero talagang nangungulit lang sa isip ko.

1) Born-again o born against?

Sabi sa Bible,

Truly, truly, I say to you, unless one is born again he cannot see the kingdom of God.

So ayun, nagsulputan ang may ilang uri ng bagong sekta para i-promote at mayakap ang pagiging born again. Siyempre, marami naman sa nag-a-undergo ng ganiyang pagpapalit ng relihiyon ay para sa ikabubuti ng sari-sarili nilang spiritual life. Pero hindi naman siguro ako makakasuhan ng libel kung sasabihin ko na may ilan (baka marami din siguro) sa mga nagbo-born again na ‘yan ay para lang magkaroon ng lisensiyang budburan ng Praise God or Praise Jesus ang every other sentence nila. ‘Yun nga lang, gasgas na ang pangalan ni Lord sa kanila pero wala namang ipinagbabago ang pamumuhay nila – nang-aapi ng kapwa, walang pagpapahalaga sa sarili, etc.

Sana naman ma-realize ng mga taong ‘yan na hindi lang sa ulit-ulit na pagbanggit sa pangalan ni Jesus ang pagiging born again. Wala din sa pagsapi ng sekta. Nasa totohanang pagbabago ng pamumuhay para gawin iyong mas mabuti, mas kalugud-lugod at mas kapaki-pakinabang.

2) Survey says…

Alam niyo yung mga survey forms na ibinibigay ng waiter sa inyo kasabay ng bill niyo at inaasahang masagutan habang naghihintay kayo ng sukli? Kadalasan, hindi ko nilalagyan ng perfect score ‘yun kahit pa super mega duper satisfied ako sa serbisyo, sa pagkain, sa ambiance at lahat na ng lugar na iyon. Why? Ewan ko ba, na-imbibe ko lang ‘yun. Nakalimutan ko na ang nagsabi sa akin na maganda din ‘yung hindi nakakatanggap ng perfect score kasi ibig sabihin niyon, magkakaroon pa sila ng room for improvement. Kasi kung perfect na lang nang perfect, iisipin ng mga utaw na perfect na nga sila at wala nang dapat i-improve. Pangit din ‘yun, ‘di ba?

3) Mayabang o may ipagmamayabang lang?

Matagal na akong professional. 1993 ako natapos ng college at kahit hindi ako agad nakahanap ng trabaho, maraming taon na akong nagtrabaho mula noon. So therefore, masasabi ko na malawak na ang naging mga karanasan ko, marami na akong pinagdaanan, marami nang natutunan. Ilan sa mga naaalala ko sa mga pinagdaanan ko ay ‘yung minsan, ‘yung mga totohanang may dapat ipagmayabang, ‘yung mga totohanang may pwedeng ipangalandakang kakayahan at kayamanan, sila pa talaga ‘yung sobrang mapagkumbaba.

Hindi ako nagmamalinis. Mayabang din ako. Pero I would like to think na nasa lugar naman ang kayabangan ko. How do I know? Kasi marunong ako tumiklop. Marunong ako mag-acknowledge ng kamalian ko. Minsan hindi ako marunong magsabi ng sorry pero gumagawa naman ako ng paraan para maiparamdam ‘yung pagso-sorry ko sa taong na-offend ko. Unless balat sibuyas lang siya, then kasehoda. Hehe!

Very significant sa akin nang makadaupang palad ko ang pinakapaborito kong author – Neil Gaiman. He is a gracious person. Magiliw, pasensiyoso, walang bahid ng yabang sa kabila ng na-achieve niya. More than I can say for some authors out there who…

Ooops…

4) Brush up your Shakespeare

Nakapagsulat na yata ako ng tungkol dito pero ulyanin naman ako so uulitin ko na lang. Para din sa mga mahilig makalimot, o ‘yung sadya lang hindi naman talaga nagbabasa ng back entries ng blog ko. 😀

Pocketbooks na nga ang lang ang nire-require ng mga teachers sa kanilang students para gawan ng book report. Of course, wala namang problema dito. Literature pa din naman na matatawag ang genre na ito kung saan kabilang ako bilang manunulat. Kaya lang, kung ang dahilan ng teacher ay ang pagiging mumurahin ng pocketbook, and therefore readily available to all students, parang may mali doon. Mabuti sana kung mada-dissect nang husto at sa tamang paraan ang mga points tungkol sa technicalities as well as aesthetics ng kwento.

Hindi ko minamaliit ang genre na ito, ulitin ko lang. Kaya lang, masyadong vernacular ang estilo ng pagsusulat ng pocketbooks. Kung ito lang ang ini-introduce ng mga eskwelahan sa students, aba, hindi kaya dahil diyan bumababa na din ang appreciation ng mga kabataan sa klase ng literature na totoong nakakadugo ng utak?

There’s a reason these classics are classics. In terms of storytelling, of form, of style, maganda sanang pamantayan ang mga classics para may mapagkumparahan ng tama at mali. Tried and tested na ang mga classics na iyan. Eh ang pocketbooks? Kung walang recommendation ng teacher ng author, paano kung ang mapunta sa student eh yung kwentong pumasa lang dahil nagswak sa formula? Eh kung walang konsepto ang bata ng form? Ng style?

Wala na…

Anyway, wala naman, writing exercise ko lang ito habang nag-iisip paano tapusin ang eksena ng love scene ng characters ko. At dahil naisulat ko na ang mga ‘thoughts at 4am’ ko… babalikan ko na ang MS ko.

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Romance 101

July 19, 2013 • Leave a Comment

Stumbled upon a neat (well, I think it’s neat) blog post courtesy of my friend, journalist and educator Walter Ang. I don’t know but I think this is a welcome development for the genre we all hanker after yet but a handful respect as serious literature. Kudos to the University of the Philippines College of Arts and Letters, Department of English and Comparative Literature for offering this special topic.

* image from http://teachmetonight.blogspot.com

And plus, I think now, there will be a better basis / criteria for analysis for many Filipino / English / Literature / Humanities teachers when they require their students to do book reports on romance pocketbooks other than the book being affordable (My Special Valentine Tagalog Romance Pocketbooks are just P32 for the regular length pages, P65 for the Premium edition) and easily accessible.

Yey!!!

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Pakatotoo ka

July 17, 2013 • Leave a Comment

Picking up a post on my twitter feed… (and from a previous post)

* image from www.thehorrificallyhorrifyinghorrorblog.com

Ulit ulit na lang… Dakilang may-akda… Kahit manunulat ka ng fiction, mahalaga pa din ang tamang facts para suportahan ang kwento mo. Hindi masamang mag-research, alam mo? Para naman hindi mukhang ungek ang characters mo na gano’n ang ugali at gano’n ang reaction sa mga ibinabalandra mo sa kaniya na sitwasyon.

Hindi creativity at originality ang tawag sa ginagawa mong pag-iimbento. Simpleng pagpapakita ng immaturity ng pag-iisip at kakulangan sa grasp mo ng kung ano’ng tama at mali.

Wala akong sinasabing ‘wag mong i-practice ang tinatawag na Suspension of Disbelief, o kaya ang Artistic o Creative License. Pero aralin mo sana munang mabuti ang facts para alam mo paglaruan. Wag mo abusuhin ang paggamit ng dalawang bagay na iyon para i-justify ang katamaran mo mag-research.

Oh, and by the way, ‘wag mo maliitin ang trabaho ng law enforcers ng bayang ito o ng ibang bayan dahil lang isinasaksak mo ang katauhan nila sa kaliitan ng pang-unawa mo. Maaaring romantic figure sila pero hindi sila trophy lang. ‘Wag mo ipasa sa kanila ang katangahan mo.

Finally, dear editors, sana maging mas metikuloso din tayo sa mga manunulat natin. Hindi porque sumusunod sa formula ng romance, okay lang. Again, uulitin ko, may tinatawag na facts, may tinatawag na logic. May tinatawag na sensible at credible. I-apply natin.

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Kwentong Bata, Kwentistang Bata

July 16, 2013 • Leave a Comment

From Lampara Books and PETA

Bata, bata, kwentista ka ba? Sali na!
Muling nagbabalik ang PETA at Lampara Books’
Kwentong Bata, Kwentistang Bata 2!

Para sa karagdagang kaalaman, i-click ang link na ito.

Join kayo, ha?

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email
  • Newer
  • 1
  • …
  • 36
  • 37
  • 38
  • 39
  • 40
  • …
  • 55
  • Older

Recent Posts

  • The Tropetastic Kindness Bundle by #RomanceClass
  • Bloom Where You Are Planted
  • #romanceclass news
  • [BLOG TOUR] Play It By Ear by Tara Frejas
  • [BLOG TOUR] No Two Ways by Chi Yu Rodriguez

Recent Comments

  • G. Gonzales on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Jennifer Hallock on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Review || Start Here anthology from #romanceclass – That Bookshelf Bitch on [BLOG TOUR] Start Here by #romanceclass Various Authors
  • My Sacrifice (MSV After Dark) on Coming soon for My Special Valentine After Dark
  • G. Gonzales on My New Life

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

RSS Unknown Feed

Instagram

Instagram did not return a 200.

Copyright 2026 WiP [Work in Progress]