WiP [Work in Progress]

Thoughts and ramblings of a Filipino author

  • About
  • Bookshelf
    • Self-published
  • Blog
  • Archive
  • Contact

Kapag madaling araw na…

July 22, 2013 • Leave a Comment

Mag-isa kasi ako sa bahay, eh. Tapos mahilig ako magtrabaho ng madaling araw hanggang masikatan na ako ng araw. Usually, kapag ganitong dis-oras, marami na akong naiisip na kung ano na pwede namang walang kasagutan pero talagang nangungulit lang sa isip ko.

1) Born-again o born against?

Sabi sa Bible,

Truly, truly, I say to you, unless one is born again he cannot see the kingdom of God.

So ayun, nagsulputan ang may ilang uri ng bagong sekta para i-promote at mayakap ang pagiging born again. Siyempre, marami naman sa nag-a-undergo ng ganiyang pagpapalit ng relihiyon ay para sa ikabubuti ng sari-sarili nilang spiritual life. Pero hindi naman siguro ako makakasuhan ng libel kung sasabihin ko na may ilan (baka marami din siguro) sa mga nagbo-born again na ‘yan ay para lang magkaroon ng lisensiyang budburan ng Praise God or Praise Jesus ang every other sentence nila. ‘Yun nga lang, gasgas na ang pangalan ni Lord sa kanila pero wala namang ipinagbabago ang pamumuhay nila – nang-aapi ng kapwa, walang pagpapahalaga sa sarili, etc.

Sana naman ma-realize ng mga taong ‘yan na hindi lang sa ulit-ulit na pagbanggit sa pangalan ni Jesus ang pagiging born again. Wala din sa pagsapi ng sekta. Nasa totohanang pagbabago ng pamumuhay para gawin iyong mas mabuti, mas kalugud-lugod at mas kapaki-pakinabang.

2) Survey says…

Alam niyo yung mga survey forms na ibinibigay ng waiter sa inyo kasabay ng bill niyo at inaasahang masagutan habang naghihintay kayo ng sukli? Kadalasan, hindi ko nilalagyan ng perfect score ‘yun kahit pa super mega duper satisfied ako sa serbisyo, sa pagkain, sa ambiance at lahat na ng lugar na iyon. Why? Ewan ko ba, na-imbibe ko lang ‘yun. Nakalimutan ko na ang nagsabi sa akin na maganda din ‘yung hindi nakakatanggap ng perfect score kasi ibig sabihin niyon, magkakaroon pa sila ng room for improvement. Kasi kung perfect na lang nang perfect, iisipin ng mga utaw na perfect na nga sila at wala nang dapat i-improve. Pangit din ‘yun, ‘di ba?

3) Mayabang o may ipagmamayabang lang?

Matagal na akong professional. 1993 ako natapos ng college at kahit hindi ako agad nakahanap ng trabaho, maraming taon na akong nagtrabaho mula noon. So therefore, masasabi ko na malawak na ang naging mga karanasan ko, marami na akong pinagdaanan, marami nang natutunan. Ilan sa mga naaalala ko sa mga pinagdaanan ko ay ‘yung minsan, ‘yung mga totohanang may dapat ipagmayabang, ‘yung mga totohanang may pwedeng ipangalandakang kakayahan at kayamanan, sila pa talaga ‘yung sobrang mapagkumbaba.

Hindi ako nagmamalinis. Mayabang din ako. Pero I would like to think na nasa lugar naman ang kayabangan ko. How do I know? Kasi marunong ako tumiklop. Marunong ako mag-acknowledge ng kamalian ko. Minsan hindi ako marunong magsabi ng sorry pero gumagawa naman ako ng paraan para maiparamdam ‘yung pagso-sorry ko sa taong na-offend ko. Unless balat sibuyas lang siya, then kasehoda. Hehe!

Very significant sa akin nang makadaupang palad ko ang pinakapaborito kong author – Neil Gaiman. He is a gracious person. Magiliw, pasensiyoso, walang bahid ng yabang sa kabila ng na-achieve niya. More than I can say for some authors out there who…

Ooops…

4) Brush up your Shakespeare

Nakapagsulat na yata ako ng tungkol dito pero ulyanin naman ako so uulitin ko na lang. Para din sa mga mahilig makalimot, o ‘yung sadya lang hindi naman talaga nagbabasa ng back entries ng blog ko. 😀

Pocketbooks na nga ang lang ang nire-require ng mga teachers sa kanilang students para gawan ng book report. Of course, wala namang problema dito. Literature pa din naman na matatawag ang genre na ito kung saan kabilang ako bilang manunulat. Kaya lang, kung ang dahilan ng teacher ay ang pagiging mumurahin ng pocketbook, and therefore readily available to all students, parang may mali doon. Mabuti sana kung mada-dissect nang husto at sa tamang paraan ang mga points tungkol sa technicalities as well as aesthetics ng kwento.

Hindi ko minamaliit ang genre na ito, ulitin ko lang. Kaya lang, masyadong vernacular ang estilo ng pagsusulat ng pocketbooks. Kung ito lang ang ini-introduce ng mga eskwelahan sa students, aba, hindi kaya dahil diyan bumababa na din ang appreciation ng mga kabataan sa klase ng literature na totoong nakakadugo ng utak?

There’s a reason these classics are classics. In terms of storytelling, of form, of style, maganda sanang pamantayan ang mga classics para may mapagkumparahan ng tama at mali. Tried and tested na ang mga classics na iyan. Eh ang pocketbooks? Kung walang recommendation ng teacher ng author, paano kung ang mapunta sa student eh yung kwentong pumasa lang dahil nagswak sa formula? Eh kung walang konsepto ang bata ng form? Ng style?

Wala na…

Anyway, wala naman, writing exercise ko lang ito habang nag-iisip paano tapusin ang eksena ng love scene ng characters ko. At dahil naisulat ko na ang mga ‘thoughts at 4am’ ko… babalikan ko na ang MS ko.

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Comments Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to Blog

Recent Posts

  • The Tropetastic Kindness Bundle by #RomanceClass
  • Bloom Where You Are Planted
  • #romanceclass news
  • [BLOG TOUR] Play It By Ear by Tara Frejas
  • [BLOG TOUR] No Two Ways by Chi Yu Rodriguez

Recent Comments

  • G. Gonzales on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Jennifer Hallock on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Review || Start Here anthology from #romanceclass – That Bookshelf Bitch on [BLOG TOUR] Start Here by #romanceclass Various Authors
  • My Sacrifice (MSV After Dark) on Coming soon for My Special Valentine After Dark
  • G. Gonzales on My New Life

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

RSS Unknown Feed

Instagram

Instagram did not return a 200.

Copyright 2026 WiP [Work in Progress]