ang maganda, o hindi maganda, sa pagkakaroon ng isang blog eh iyong pwede ka mag-post na lang nang mag-post tungkol sa kung anu-anong bagay na bumabagabag sa isip mo at pakiramdam mo eh magandang iparating sa makakabasa. o kaya naman para sa sarili mo nang consumption. minsan kasi mas lumilinaw sa sarili mong pag-iisip kapag nababasa mo, ‘di ba?
anyway…
masabi ko lang… sa mga kaibigan ko na higit na mas bata sa akin at naka-experience recently (as in, tipong in the last 3-5 years) ng heartache… tigilan na natin kaya mang-stalk sa ex natin at ng current niya? bakit ba natin ginagawa ‘yun? para i-assure ang sarili natin na we’re better than whoever it is na ipinalit nila sa atin? para i-assure ang sarili natin na asshole/bitch talaga itong si ex? eh proven na nga nating walang kwenta yan, eh. ginago ka, tas pinalabas pa na ikaw ang masama…. what more?
move on na. siguro naman sapat na ang ilang buwan na lumipas na pinagbigyan natin ang sari-sarili natin na mag-grieve una dahil masakit, pangalawa dahil ang pangit ng pakiramdam ng nabalahura, pangatlo dahil masama sa loob aminin na nagpakatanga pala tayo. yain na. hindi na worth it pag-aksayahan ng panahon.
know your worth. hindi mo kailangang ulit-ulitin na mas wala silang kwenta para lang maramdaman mo na ikaw ang mas mabuti at mas nakakalamang bilang tao.
you are. period.
Comments