WiP [Work in Progress]

Thoughts and ramblings of a Filipino author

  • About
  • Bookshelf
    • Self-published
  • Blog
  • Archive
  • Contact

You May Want to Know

a.k.a. Frequently asked questions and/or trivia…

May mga katanungang ang hilig natin itanong, na malamang nasagot na minsan, na parati pa din natin itinatanong, na para sa sumasagot ay parang trick question na nakakapagdudang sagutin, na kung iisipin ay hindi din maintindihan ng pinagtanungan bakit siya natatanong ng ganiyan…

1. Kailan po lalabas ang next book niyo?

Pasensiya na po, hindi ko din alam. Pare-pareho lang din po tayong naghihintay ng announcement sa website. Bakit ganoon?

Unang una, writer po ako. Hindi po ako regular na empleyado ng Bookware. Sa bahay po ako nagtatrabaho. Nagsa-submit ako ng manuscript through email. Paminsan minsan, kapag nasa Manila ako, bumibisita ako sa opisina para mangumusta. So, hindi ko alam kung ano’ng regular na pangyayari doon lalo na ang pagsi-schedule ng releases.

Pangalawa, mahabang proseso ang pingdaraanan ng aming manuscript bago ma-publish. Ganito ‘yon. Kapag nakatapos ng manuscript, ipinapasa iyon for evaluation. It takes about three weeks para malaman kung approved iyon o hindi. Kapag na-approve… ayun na. Ila-line up ‘yan for release pero may katagalan talaga. Bakit ganon? Kasi po, hindi naman iisa lang ang writer ng MSV. Marami-rami kami. At may mga writer na hindi lang isa ang natatapos na manuscript sa loob ng isang buwan. On average, ang iba ay nakakapagpasa ng dalawa hanggang tatlo depende sa sipag at dating ng inspirasyon.

Iilang titles lang ang nailalabas ng MSV sa isang buwan. May mga panahon pa na naaapektuhan ng bilis (o bagal) ng printer ang schedule ng releases. Walang sariling imprenta ang MSV. Umaasa lang sa supplier. Pwede din maapektuhan ang release ng pagkakapare-pareho ng tema ng mga naisulat.

So isipin natin… May humigit-kumulang 20 writers na nagpapasa ng manuscript na sabihin natin ay tig-dalawa ang natatapos kada buwan at naghihintay for evaluation… Tapos marami na ang labing-anim na release sa isang buwan. Sabay-sabay tayong maghintay.

 

2. Out na po ba ‘yung book niyo sa NBS/other bookstores?

Ahm… Tulad niyo, para malaman ko ang sagot diyan, kailangan ko din pumunta sa NBS para i-check physically kung may stocks na nga. Eh, malaking problema ‘yan kung nasa Manila kayo, o sa ibang lugar bukod sa sa Dumaguete kung saan ako nakatira. Tulad ng sagot ko sa unang tanong, hindi po ako empleyado. Writer ako, hindi ako nagtatrabaho sa sales department.

Pero ganito ‘yan, para may konting idea kayo. Kapag nai-publish sa official Bookware site at sa MSV FB fanpage na out na ‘yung mga bagong titles, bigyan natin ng kaunting time para mai-distribute ‘yan sa mga bookstores. About a week kung Manila branches, maybe more (soooo much more) kung probinsiya. May mga bookstores din na kahit nasa kanila na ang stocks, hindi pa din agad dini-display. O kaya naman, nai-distribute na pero na-late ang pagpa-publish sa website.

Ang pinakamaganda talaga… eh, bisitahin niyo na lang personally ang paborito niyong outlet. Kung masyadong hassle para sa inyo ang magpabalik-balik sa bookstore dahil hindi niyo nakita at nabili sa una niyong pagpunta ang librong gusto niyo, hingin niyo ang number ng outlet na iyon, o kaya ang website, para bago kayo pumunta ay ma-check niyo muna.

 

3. Bakit po kulang ang stocks sa (name of outlet)?

Hmmm… parang mas tama kung itatanong niyo ito sa branch, hindi sa amin. Una, see number 2 above. Pangalawa, baka naubusan na kayo. Pangatlo, baka ‘yun lang ang in-order ng branch na iyon. Hindi naman intensyon ng MSV na i-deprive kayo ng stocks. Kaya lang, kung sa sales record ng bookstore ay hindi mabenta ang libro ng isa o ilang particular author, ay, eh, decision po nila na hindi kumuha ng title na hindi makakapagdala sa kanila ng kita.  Good business sense lang po. Walang personalan.

Ngayon, kung gusto niyo na siguradong may kopya kayo ng libro, may online shop ang Bookware, order na lang kayo. Madali lang naman. 🙂

 

4. Pwede niyo po ba gamitin ang pangalan/kwentong pag-ibig namin sa pagsusulat ninyo?

Pwede naman po ito pero pasensiya na, hindi ko po kayang pilitin gawin ang hiling niyo. Nakakatuwa talaga kung mababasa niyo ang mga panga-pangalan niyo sa librong gawa namin. O iyong makikilala niyo ang takbo ng kwento ay sa inyo. Kaya lang, ako ang tipo ng writer na hindi kumportable ipilit ang pangalan at plot sa characters ko. Ang paniniwala ko, sila ang namimili ng kanilang pangalan at plot pati na kung sino ang kaniyang partner. Kapag ipinilit ko, masa-stuck ako forever dahil hindi kami magkakasundo. Kung sa usapin ng kwento niyo, ahm, bakit hindi niyo subukang kayo na lang ang magsulat? Palagay niyo?

May separate entry po ito sa blog, basahin niyo na lang po.

 

5. Pwede po ba akin na lang si (name ng hero)?

Kung ang ibig niyong sabihin ay kung pwede niyong mahalin, pagnasahan, ibulsa, gow! Bili kayo ng kopya ng libro. Libreng libreng gawin ang gusto niyong gawin. ahehe… Pero kung ibig niyong sabihin ay kung pwedeng ikaw ang heroine ng aking hero, hmm… depende. Kapag ayaw niya sa iyo, ayaw niya. Wala ako say doon. See Item # 4 above.

 

6. Pwede po ba ako pakibati sa author’s page?

Kung nagsusulat sana ako sa PHR, pwede dahil may author’s page sila. Sadly, sa MSV, walang ganito. Kung sakali, pwede ko kayong pasalamatan either sa FB o kaya dito sa blog ko.

 

7. May kwento po ba si (name ng secondary, tertiary, at kung pang-ilan pang extra sa isang kwento)? Pwede niyo po ba siya gawan ng kwento?

Depende. Hindi sa lahat ng pagkakataon may nakalaan para sa kanila. Minsan, ang role ng isang extra ay ‘yun lang – extra. Pampakapal ng eksena. Pansinin niyo kapag hindi gaanong kaaya-aya ang pangalan ng tauhan, malamang hindi ko ‘yan gagawan ng sariling kwento. Malamang kontrabida ‘yan at hindi deserving ng sarili niyang kuwento. Isa pa, hindi po parang Jollibee ang pagsusulat. Salamat sa pagtitiwala pero hindi dahil hiniling, pwede at kakayaning gawin. At hindi din po pwede yung ‘sana lumabas agad‘ lalo at kung naitsismis na sa inyong sinisimulan pa lang ang pagkukuwento. Inililinya ang pag-release ng MS, hindi po uso ang preferential treatment. Unless hiniling iyan na isulat ng aming editor, malamang hihintayin niyo ang kwentong iyan nang kasintagal ng paghihintay para sa isang regular na kwento.

 

8. Nagsusulat po ba kayo ngayon? Tungkol saan?

‘Di tulad ng ibang mga kilala niyong writer, ako po ay full time sa gawaing ito. Kung nagsusulat ako ng mga oras ng tinanong mo ako? Depende. Pero one thing, definitely may iniisip ako na isulat. Trabaho ko na po ito, pinili ko na bilang career. Dapat lang nagsusulat ako. Tungkol saan? Well, sa romance. Sa love and a happy ever after. Pwede siguro kung i-specify niyo kung ano’ng gusto niyong malaman kapag itinanong niyo, tungkol saan. Kung may koneksyon sa naunang kwentong nabasa niyo, or what. Pero if you mean tungkol saan dahil gusto niyong magpakwento, pasensiya na po. Hindi ako nagkukuwento unless sa beta reader ko. May mga piling nilalang na iyan ang role sa buhay ko o minsan, depende sa tawag ng sitwasyon, may nilalapitan akong iba para maging sounding board ko.

 

9. ‘Di po ba kayo nagsusulat for PHR?

At the moment, no. Hindi ito dahil ayoko. Gusto ko kasi, kung magsusulat ako for both publications, hindi ako dapat maubusan ng pondo. Ayokong mawala naman kasi sa consciousness ng mga tao. Eh bilang napakabagal ko magsulat, hindi feasible sa akin ang mag-cater sa dalawang publication and it’s out of the question na iwan ko ‘yung isa. Isa pa, to quote from fellow MSV writer Ella Gualvez/Dior Madrigal, naisusulat ko for MSV ang para sa romance genre at masaya ako sa publication ko. Kung magbabalak akong mag-venture sa ibang publication, mas gusto ko na kung ibang genre naman like mystery and fantasy thriller.

 

10. Pwede ko po ba kayong maging friend?

Aysus, oo naman! Hindi naman kailangan pa iyan itanong. Pero hindi din ibig sabihin kapag sinabi ko na oo, pwede, instantly ay dyaran! Close na tayo. Tulad ng mga kwento namin, bini-build up po ang pagkakaibigan. I’m sure  alam niyo naman kung paano mag-nurture ng friendship. Tumambay kayo sa site ko, makipagkwentuhan. Pero kung hindi niyo ‘yun gagawin, ah, eh, hindi ko alam paano tayo magiging friends. Hindi niyo naman ako kinakausap, eh.

 

‘Yun lang po. Bow.

Comments Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Recent Posts

  • The Tropetastic Kindness Bundle by #RomanceClass
  • Bloom Where You Are Planted
  • #romanceclass news
  • [BLOG TOUR] Play It By Ear by Tara Frejas
  • [BLOG TOUR] No Two Ways by Chi Yu Rodriguez

Recent Comments

  • G. Gonzales on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Jennifer Hallock on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Review || Start Here anthology from #romanceclass – That Bookshelf Bitch on [BLOG TOUR] Start Here by #romanceclass Various Authors
  • My Sacrifice (MSV After Dark) on Coming soon for My Special Valentine After Dark
  • G. Gonzales on My New Life

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

RSS Unknown Feed

Instagram

Instagram did not return a 200.

Copyright 2026 WiP [Work in Progress]