My Sacrifice
Abala si Faye sa pamimili ng mga native bags na naisip niyang ipampasalubong sa mga kaibigan at katrabaho nang magsimula siyang makaramdam ng kung anong kakaiba.
Nagsimula iyon sa isang masangsang na amoy. Para iyong amoy ng dagat. O ng lumot. O ng lumang bahay na nakulob. Nakakapagtaka na tila siya lang ang naaabala ng amoy dahil wala namang nagre-react sa mga kaharap niya.
Then, she saw him. Isang lalaki ang nakatayo at nagmamasid sa kanya mula sa likod ng isa sa mga eskaparate sa tindahan. Noong una ay inakala niyang namalikmata lang siya dahil hindi pangkaraniwan ang hitsura ng lalaki.
Eerily, naisip niya na may bahid ng kababalaghan ang aura nito dahil sa kulay ng kutis ng binata. Mestisuhin ito. Hindi tipong Spanish o Chinese mestizo. Hindi din tipong mestiso na nag-skin bleach o nagpa-inject ng glutathione. Saka niya naisip, hindi ito mestizo. Kumikinang ito. Tulad ng kung paano kuminang ang mga bagay sa ilalim ng dagat kapag nasisinagan ng liwanag.Luminescent. Iyon ang tamang term doon.
Nakatuon ang mga mata nito sa kanya in an almost hypnotic gaze. Kahit ang ngiting naglalaro sa mga labi nito ay nakabibighani. Kung kaya, imbis na matakot o maisip na baka manyak ito, his smile had a warming effect on her. Sa palagay niya, gayon ang mga ngiting may tunay na pagpapakita ng interes at sinseridad. Nahikayat tuloy ang mga labi niyang umangat ang mga sulok para tugunin ang walang-salitang paanyayang gumanti rin siya rito ng ngiti.
Kumilos ito, palagay niya ay para lapitan siya. His movement was lithe, reminding her of a predator cat. Naramdaman niya ang sariling mga paang dinadala siya para salubungin ito. Ginamit niya ang pagkakataon para pag-aralan ang binata. Ang kapansin-pansing ginintuan nitong buhok. Ginintuan din ang mga mata nitong kakaiba kung kumislap dahil sa dilaw na ilaw sa loob ng tindahan. Ang mamula-mula at sensuwal nitong mga labi na tila ba nilikha para humalik at mahagkan.
Matangkad ang lalaki, matipuno ang mga balikat at bisig na binabalutan ng suot nitong kulay olive green na t-shirt. His broad chest tapered to a slim waist at kahit hindi hapit ang suot nitong slacks, alam niyang maskulado ang mga binting itinatago ng khaki na tela.
“Miss Faye, marami pa palang ibang color ’tas may iba pa ditong style! Ganda, o!”
Nabulahaw ng boses ni Clare ang pagtatagpong iyon.
“Ay, talaga?” baling niya rito at saka niya napansin na rumaragasa ang tibok ng kanyang puso. Kung ano ang dahilan, hindi niya pa sigurado. Baka dahil sa mga bags. Hilig niya kasi ang mag-shopping ng mga na iyon na kung hindi para sarili ay para iregalo sa mga taong malalapit sa kanya.
Pero nasaan… Sino?
Nagsalitang muli ang kasama, pero hindi niya ito napakinggan. Luminga siya sa kinaroroonan ng binata, pero parang anino itong naglaho na lang nang walang naiwang bakas. Wala ito sa kahit saang banda ng tindahan at masyado namang maiksi ang oras at maliit lang ang lugar para makaalis ito nang hindi niya napapansin. As in, hello? Kung aalis ito ay dadaan ito halos sa tabi niya.
Unless may back door ang tindahan at doon ito lumusot.
“Miss Faye? Okay ka lang?” Nagitla pa siya sa paghawak ni Clare sa kanyang bisig. “Parang namumutla ka.”
“Ha? Ah…” Minsan pa siyang luminga. Nasaan na ang lalaki? “Okay lang. Parang may…. Napansin mo ba kung may nakatayo doon kanina?”
“Miss Faye, ’wag kang ganyan!” Namilog ang mga mata nitong sinundan ang direksyong itinuro niya. “Tayo lang kaya ang ’andito.”
Taliwas sa halatang nararamdaman nitong takot, siya naman ay nalito lang. Hindi kaya multo iyon? Hindi naman siguro malayong may mga aparisyon doon. Vigan is an old place. Mahaba na ang kasaysayan ng siyudad. Kailan pa siya nagkaroon ng kakayahang makakita ng multo at aparisyon?
“Bayaran mo na ’yan at tayo na.” Ipinilig niya ang ulo para palisin ang mga naiisip. Mamaya na niya iintindihin iyon. Siguro sa hotel, maaari siyang magtanung-tanong. Baka kilala nila ito. Baka alam kung saan ito matatagpuan. Baka…
Balak ba niya itong sundan?
Nakalayo na sila sa tindahan nang maalala niyang napansin din niyang nawala ang kulob na amoy nang mawala ang lalaki.
(c) Bookware Publishing Corp.
jhezellacritiquette says
ano kaya ang twist ng story na ito?haisst!!!can’t wait to read it
edithjoaquin says
basa na! hehe… pengeng feedback, ha? 🙂
jhezellacritiquette says
wala pa akong copy nito te. excited nga ako at gusto kong malaman ano ang kinalaman nglumot at bakit ginto ang buhok niya. iniisip ko baka isa siyang alitaptap na lalaki…hahaha!!!
jhezellacritiquette says
pag available na po sa NBS te. excited nga akong mabasa ito kasi nagtataka ako kung ano ang kinalaman ng lumot sa hero. Isa pa bakit kaya gold ang kaniyang buhok. Pag Gold kasi naalala ko ang mga alitaptap sa gabi. Alitaptap po ba siya na lalaki? hahaha!!!(alitaptap miss jette ha…hindi lambana o engkanto)
jhezellacritiquette says
Excited po akong malaman kung bakit gold ang kaniyang buhok at ano ang kinalaman ng lumot sa pagkatao niya.