Hindi phenomenon ang manghalik si Ace Crisostomo. As a matter of fact, kung pagbibigyan lahat ng kababaihang gustong magpahalik sa kanya—mga naging kaklase niya sa eskuwela, mga naging katrabaho, huwag nang banggitin ang mga may asawang nag-offer sa kanya ng affair—kasing-haba siguro ng EDSA ang pipila. At walang halong pagmamayabang iyon.
So ano ang ikinaiba ni Pearl sa lahat ng babaeng hinalikan niya? Bakit siya ginugulo ng konsyensya dahil doon?
Siguro kasi nagi-guilty siya dahil imbis na pangalagaan niya ang dalaga gaya ng bahagi ng job description niya, sinamantala niya ito. Or maaaring natatakot siya. Wala pang babaeng nakaapekto sa kanya nang ganoon, maliban kay Pearl. And his soul is letting out a blood-curling yell at the thought of falling in love…
Trivia:
Ace was mentioned in Heracles’ book as ‘Aiken.’ i changed his name kasi when i was finally writing his story pero hindi ko na nabalikan ‘yung story ni Les para i-edit yung name. sorry ’bout that.
i had quite a difficult time with his plot until Carla Giopaolo offered that i use one of her secondary characters for my heroine. Pearl appeared in her novel Until Forever.
cover peg is a friend, commercial model, theater, TV and film actor, and sweetheart Joel Molina.

Comments