Importante ang mag-aral, alam niyo. Hindi sapat ang pumasok lang sa school. Hindi din dahil may diploma ka, ibig sabihin may pinag-aralan ka. Pwede namang nagkataon lang na pumapasa ka sa mga subjects mo.
Bakit importante mag-aral? Una, para matuto ka magbasa. Pangalawa, para maintindihan mo ang binabasa mo. Pangatlo, para kapag may gusto ka sabihin, mapa-Filipino o Ingles pa yan, maiintindihan ka nang malinaw. Naku naman, ang hirap kasi intindihin ang uri ng Ingles na pinagtagpi-tagpi lang ang basic vocabulary na nalalaman mo nang walang tamang subject-verb agreement, wala din tamang articles, prepositions at kung ano pa.
Mag-aral kayo. Kahit wala kayo sa school dapat nag-aaral kayo.
Hay, tama… nakakainis na magbasa ng mga comments ng mga internet trolls na masakit sa bangs.
sabi ko nga, ayoko magka-aneurysm. ang babata pa ng mga baby oso/doggy/hippo ko. tsaka malulungkot ang asawa ko kapag namatay ako. plus, kailangan pa namin magkakilala nang personal ni Manu! hahahahaha!