This is coming out under a new imprint from MSV. It’s called Romancing the Globe. My Epi and Mariam are going to be part of the first batch. Yay! Here’s the excerpt!
Memories of Israel
Sasairin na sana ni Ephraim ang inumin nang mula sa sulok ng kanyang mata, nakita niya ang pagbukas ng pinto ng kuwarto mula sa loob. Isang kamay ang umabot muna ng light switch at sa isang iglap ay bumaha ang kadiliman sa kinaroroonan niya.
Silhouette na lamang ng medyo matangkad na babae ang naaninag niyang pumasok. Ilang hakbang pa ay nakatayo na ito sa harap niya. Nabalot siya ng samyo nito. An intoxicatingly delicate scent of lavender and warm honey. A scent that reminded him of…
Sino ito? Sayang lang dahil masyado talagang madilim para makita ang mukha nito. Maaaring nakilala na niya ang babae kanina sa party. O kung isa itong mapangahas na….
“Can I help you?”
“Hinahanap lang kita.”
Shit… Ang boses nito. It sent chills up and down his spine. Narinig na niya ang boses na iyon noon. Pero kailan? Saan?
“Bakit nag-iisa ka dito?” Naglakad ito papalapit at tumigil sa harap niya pero hindi sa maaabot niya.
“Naiingayan kasi ako sa ibaba,” sagot niya.
“Mas gusto mo ng tahimik?”
“Gusto ko lang mapag-isa.”
“Oo nga,” ayon nito. “You’ve always liked solitude.”
Paano nito iyon nasabi? Hindi siya sigurado kung magkakilala sila.
“Hindi naman ako magtatagal.” Her husky tone spelled D-E-S-I-R-E in big, bold letters. Lumapit pa itong lalo, tumigil lang nang nakadikit na ang tuhod nito sa kanya. “May kailangan lang ako sa ’yo.”
Inihaplos nito ang mga daliri sa kanyang pisngi. Dumantay ang hintuturo nito sa kanyang baba para marahang itingala ang kanyang ulo.
Tututol sana siya sa ikinikilos nito. Maraming katanungan sa isip niya kung bakit naroon ito pero mabilis na nalulunod iyon sa paglakas ng pintig ng pulso sa kanyang tainga.
Parang senswal na pusa itong unti-unting ibinaba ang sarili sa kandungan niya. Her hands went to the back of his head, caressed the hair at his nape bago nito inilapit ang mukha sa kanya.
Tuluyan na niyang kinalimutan ang lahat nang humaplos ang sutla ng mga labi nito sa kanya. Her breasts were pressed against his chest as her heated palms branded his skin.
Itinaas niya ang kamay para isuklay ang mga daliri sa malalambot na hibla ng buhok nitong tuwid na tuwid. She moaned softly before opening her mouth, giving him implicit permission to taste her. His free hand caressed the length of her thighs until he reached the hem of her blouse.
Sinimulan niyang tanggalin ang pagkakabutones niyon bago niya naramdaman ang kamay nitong pumipigil sa kanyang kamay at ang marahang pagtulak nito sa kanya palayo.
“I’m not here for this, unfortunately,” bulong nito bago mabilis na inialis ang sarili mula sa kandungan niya. Tumayo ito sa kabilang dulo ng veranda, malayo sa kanya. “Don’t get me wrong. I would have loved to go to bed with you. Hindi nga lang ngayon.”
“Uh-huh.” Sinigurado niyang bakas sa boses niya na hindi siya naniniwala rito.
“Mayroon lang ibang mas importanteng dahilan kung bakit kita sinundan dito.”
“Bakit ka nga ba narito?” Umayos siya sa pagkakaupo dahil hindi na komportable ang pakiramdam ng kanyang pantalon.
Wala itong sinasabi pero naramdaman niya ang pag-iiba ng enerhiya sa pagitan nila. Nagtayuan ang balahibo sa kanyang batok na nagsasabing may mali sa sitwasyon.
Tumayo siya, lumipad ang tingin sa direksyon ng pintuan. Sinilip din niya kung gaano kataas ang elevation ng veranda mula sa lupa. Kailangan niyang maging handa. Instinct told him to get ready to defend himself.
“Someone was sent to kill you. ’S why I’m here.”
Natigilan siya doon. Ano ang pinagsasabi nito? Why would anyone want him dead? Ni wala siyang kilala sa Pilipinas kundi mga kamag-anak nila… Sigurado rin siyang wala siyang nagawang nakaagrabyado.
“What are you talking about?” He edged away from the glass doors.
Kaya niyang tumalon, kesehodang mabalian siya ng buto sa binti o madurog ang kanyang tuhod. Ano’t anuman, mas mabilis siyang makikita ng mga tao at masasaklolohan.
Lumakas ang tunog ng warning bells sa utak niya nang maaninag niya sa kadiliman na tila may hinuhugot ang babae mula sa likuran nito. Bago pa man nito nasagot ang itinatanong niya ay alam na niya kung ano ang sasabihin nito.
“I was sent to kill you.”
Got a previous entry on this, too. Here.
Comments