WiP [Work in Progress]

Thoughts and ramblings of a Filipino author

  • About
  • Bookshelf
    • Self-published
  • Blog
  • Archive
  • Contact

Another Up and Coming!

November 23, 2012 • 6 Comments

High on Love….

  Kung puwede lang sanang tumanggi sa pakikipag-meeting na ito. O kaya ay piliin na lang niyang magkulong doon sa banyo forever. Tulad ng ginagawa niya sa Cebu hindi niya maalala kung ilang taon na ang nakakaraan.
In-alienate niya ang sarili sa mga tao at bagay na kinasanayan niya at umasang matatakasan at maibabaon na lang sa limot lahat ang dati niyang buhay.
How very mature of you, Imelda. Sobrang mature, it’s actually pathetic, aniya sa sarili.
Umiiling siyang huminga nang malalim at inihanda ang sarili sa paghaharap. Sinabayan niya ng dasal ang paglabas doon na sana magkaroon pa ng sapat na lakas ang mga tuhod niya hanggang maihatid siya ng mga binti sa opisina ng boss. At makatagal siyang buhay hanggang matapos ang kailangan ni Serge sa kanila.
“Ah, heto na pala siya.” Tumayo si Doug San Mateo nang sumilip siya sa pintuan ng opisina nito.
Likod ng ulo ng dalawang lalaki ang una niyang nasilayan pero sigurado siya kung alin doon ang kay Serge. Iyong medyo kulot na kulay brown. Parang kapok iyon sa lambot. At parating amoy bagong shampoo.
“Good morning,” bati niya bago sukat lumingon ang mga ito para harapin siya.
Kumapit siya nang mahigpit sa doorknob. Oh. My. God. She’d forgotten he could always mesmerize her. She’d forgotten he had that appeal.
“Mr. Gatdula, Mr. Bautista, this is Agent Imelda Tuazon, isa sa pinakamagaling na agent namin.”
“Ma’am.” Iniabot ni Serge ang kamay sa kanya. Civil ang ngiti nito. Tulad lang ng maaari nitong igawad sa isang bagong kakilala. O iyong katrabaho.
Gumuhit ang sakit sa gitna ng kanyang dibdib sa tawag nito sa kanyang ‘Ma’am’ at sa blangkong expression sa mga mata nito.
May invisible na kamay na kumutos sa kanya. Mag-expect ba na yakapin siya nito?
“Sir.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
Nagnakaw siya ng tingin kung maaaring may suot na ba itong singsing at nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala pang kahit anong kumikinang sa daliri nito.
“Mr. Bautista.” Binalingan niya ang kasama nito bago siya matulala sa kahahanap ng natatandaan niyang warmth sa tingin ni Serge para sa kanya.
“Salamat sa tulong, Ma’am,” abot-tainga ang ngiti nito. Malayung-malayo kay Serge. Gumaang nang kaunti ang loob niya dahil doon. “Please call me Cadio.”
“Ikaw ang nakausap ko.” Nginitian niya rin ito.
“Yes, Ma’am, ako nga po.” Sumulyap ito kay Serge na napansin niyang naniningkit ang mga mata.
“Ay, ’wag nang Ma’am.” Hinawakan niya ito sa bisig. “Ivy na lang.”
“Ivy.” Isa pang beses itong sumulyap sa kasama na sinabayan niya. Tumatalim ang tingin nito sa kanila.
“Gentlemen, ipagpaumanhin n’yo, kailangan ko kayong iwan,” anang RD. “Ivy, take the lead, paki-fill in na lang si Ramir when he comes in tomorrow.”
Tumango siya rito bilang pagtanggap sa bilin. Hindi na ito nagtagal, naiwan sila para mag-usap.
“Si Ramir Yumul ang isa sa mga senior agents namin dito. He’s just on assignment today,” paliwanag niya. “Excuse me sandali, magpapakuha lang ako ng merienda para sa inyo and I’ll also get the files you need.”
Iniutos niya kay Cita ang pagkuha ng refreshments at nagtungo na siya sa kanyang mesa para sa tinutukoy na files. Papasok na siya ng opisina nang maulinigan niya ang pag-uusap ng dalawang binata.
“You’re doing fine, Pare,” ani Cadio. “Pero I’m sure halata niyang matindi pa din ang tama mo sa kanya.”
May tama pa rin si Serge sa kanya? Mabuti pa si Cadio, nahalata iyon. Pero ano naman ang gagawin niya sa impormasyong iyon?
“Alam mo, sana naiwan ka na lang sa Manila o ako na lang ang nagpaiwan,” tugon ni Serge. Hindi ito galit pero dama niya ang pagbabanta sa tono ng boses nito.
“Palagay ko mahal ka pa din niya.”
Muntik na siyang mahimatay doon.
I do?
“Titigil ka ba, o hindi?”
Walang sagot, tawa lang.
“Ma’am Ivy, excuse lang po!”
Nabitawan niya lahat ng folder na hawak niya dahil sa gulat at lumikha iyon ng ingay sa pintuan. Nagmadali man siyang pagpupulutin ang mga nakakalat na papeles, inabutan pa rin siya ng paglingon ng mga lalaki habang naka-sprawl siya sa sahig, on all fours, mukhang hampas-lupang nahuling nag-i-eavesdrop.

Watch for it! 🙂

(c) Bookware Publishing Corp. 2012

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Comments Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

  1. horaeshou says

    November 23, 2012 at 15:08

    halaaaaaaaaaa!
    oh my!
    i can’t wait!
    sana lang paglabas nito may pera na ang mga bruha kong sisterettes..

    Reply
    • edithjoaquin says

      November 23, 2012 at 17:25

      i’m sure meron. mukhang magtatagal pa naman bago ito ilabas bru. baka nga early next year na bilang ilan pa ‘yung naka-lineup. 🙂

      Reply
      • horaeshou says

        November 30, 2012 at 22:40

        wish ko lang talagah..
        mga kuripot din yun eh..
        ayaw gumastos pero ang hihilig din magbasa..

        Reply
        • edithjoaquin says

          November 30, 2012 at 22:43

          ish somekinda andaya lang. ahehe…

          Reply
          • horaeshou says

            December 8, 2012 at 15:12

            exactly teh!
            pero sabi ng mga bruha, kapag daw may bagong labas from ateh elise, you or ateh queng, maghahanap sila ng pera..
            raraket sa ice selling..
            hahahaha..

          • edithjoaquin says

            December 8, 2012 at 20:37

            impernes! 😀

Back to Blog

Recent Posts

  • #romanceclass news
  • [BLOG TOUR] Play It By Ear by Tara Frejas
  • [BLOG TOUR] No Two Ways by Chi Yu Rodriguez
  • If only
  • [BLOG TOUR] Flipping The Script by Danice Mae P. Sison

Recent Comments

  • G. Gonzales on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Jennifer Hallock on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Review || Start Here anthology from #romanceclass – That Bookshelf Bitch on [BLOG TOUR] Start Here by #romanceclass Various Authors
  • My Sacrifice (MSV After Dark) on Coming soon for My Special Valentine After Dark
  • G. Gonzales on My New Life

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

RSS Unknown Feed

Instagram

  • In and around
  • Pa-culture muna #SwanLake
  • 🥶🥶🥶
  • Postcards in the mail are like little reminder nudges from friends far away—I am remembered. 😍 Thank you @laylatanjutco @carlakdeguzman @chachicsbooknook ❤️❤️❤️
  • Thank you, @islandstorygirl! See you, hopefully soon 😊❤️
  • Earlier, I ran errands with my mom. While she waited at the Spectrum store, I slipped next door to Trader Joe’s to get something to munch on. Passed this aisle and remembered, I bought these for Queng because she said she was craving trail mix. I sent these through my Kuya and I know she got them. I dunno if she ever got to enjoy eating them, though. *sigh* I miss you, my friend.
  • Awoooo!!! 🐶
  • Happy happy birthday to my most favorite nephew!  I love you, my not so little baby 😘

Copyright 2019 WiP [Work in Progress]