WiP [Work in Progress]

Thoughts and ramblings of a Filipino author

  • About
  • Bookshelf
    • Self-published
  • Blog
  • Archive
  • Contact

Usapang Puday…

February 3, 2014 • Leave a Comment

I was asked recently to help translate a short monologue from The Vagina Monologues which will be performed by a friend’s friend.

I’d like to share what I wrote (in Itals), for you all…

* Pic from wgs.eku.edu via Google Images

MY VAGINA WAS MY VILLAGE

PUWERTA KO, NAYON KO

My vagina was green, water soft pink fields, cow mooing sun resting sweet boyfriend touching
lightly with soft piece of blonde straw.

Luntian ang aking puwerta, malasutlang daloy ng tubig sa parang, kulay rosas, bakang umuunga nahihimlay na araw, katipang matamis, banayad na humahaplos gamit ang malambot na ginintuang dayami,

There is something between my legs. I do not know what it is. I do not know where it is. I do not
touch. Not now. Not anymore. Not since.

May kung ano sa pagitan ng aking hita. Hindi ko alam ano iyon. Hindi ko alam nasaan. Hindi ko hinahawakan. Hindi ngayon. Hindi na. Hindi mula noon.

My vagina was chatty, can’t wait, so much, so much saying words talking, can’t quit trying, can’t
quit saying, oh yes, oh yes.

Masalita ang aking puwerta, hindi makapaghintay, maraming binibigkas kwentong puro kataga, hindi mapigilang subukan, hindi mapigilang sabihin
Oo, oo

Not since I dream there’s a dead animal sewn in down there with thick black fishing line. And
the bad dead animal smell cannot be removed. And its throat is slit and it bleeds through all my
summer dresses.

Hindi mula nang mapanaginipang may patay na hayop roon, nakatahi ng makapal na itim na pamansing. Hindi maalis ang masangsang na samyo ng patay na hayop. Gilit ang leeg nito, tumatagos na daloy sa aking damit.

My vagina singing all girl songs, all goat bell ringing songs, all wild autumn field songs, vagina
songs, vagina home songs.

Umaawit ang aking puwerta ng awiting pambabae, lahat awiting katunog ng kampanilyang suot ng kambing, lahat mga awiting naririnig sa parang sa panahon ng taglagas, mga awitin ng pwertang tahanan

Not since the soldiers put a long thick rifle inside me. So cold, the steel rod canceling my heart.
Don’t know whether they’re going to fire it or shove it through my spinning brain. Six of them,
monstrous doctors with black masks shoving bottles up me too. There were sticks and the end
of a broom.

Hindi mula noong ipasok ng mga sundalo ang mahaba at makakapal na boga sa kaibuturan ko. Napakalamig, inaalis ng bakal na gabilya ang aking puso. Hindi ko alam kung pasasabugin nila o isasalya iyon sa naliliyo kong utak. Anim sa mga ito, mga mala-halimaw na manggagamot nakasuot ng itim na maskara na panay rin ang pagsaksak ng botelya sa akin. May mga ginamit din na tungkod at dulo ng walis.

My vagina swimming river water, clean spilling water over sun-baked stones over stone clit, clit
stones over and over.

Ang aking pwerta lumalangoy na tubig-ilog, malinis na tubig, dumadaloy sa mga batong bilad sa init ng araw nakapatong sa mga bato, ang bato ng aking pagkababae, paulit-ulit.

Not since I heard the skin tear and made lemon screeching sounds, not since a piece of my
vagina came off in my hand, a part of the lip, now one side of the lip is completely gone.

Hindi mula nang marinig ko ang pagkapunit ng aking balat at lumikha ng matining na pagtili, hindi mula nang may piraso ng aking pwerta ang nalaglag sa aking mga kamay, isang bahagi ng labi, ngayon wala na ang isang buong bahagi na labi.

My vagina. A live wet water village. My vagina my hometown.

Ang aking pwerta. Buhay na basang nayon ng tubig. Ang aking pwerta. Ang aking kanlungan.

Not since they took turns for seven days smelling like feces and smoked meat, they left their
dirty sperm inside me. I became a river of poison and pus and all the crops died up, and the fish.

Hindi mula nang pagsalit-salitan nila ako ng pitong araw, umaalingasaw ang amoy ng dumi at inihaw na laman, iniwan nila ang marumi nilang punla sa kaloob-looban ko. Ako ay naging ilog ng lason at sakit at nangamatay ang mga pananim at mga isda.

My vagina a live wet water village.
They invaded it. Butchered it and burned it down.
I do not touch now.
Do not visit.
I live someplace else now.
I don’t know where that is.

Ang aking pwerta, buhay na basang nayon ng tubig. Sinalakay nila ito. Dinaluhong at tinupok ng apoy.
Hindi ko na ginagalaw.
Hindi dinadalaw.
Sa iba na ako tumatahan.
Hindi ko alam kung saan.

Stop violence against women and children. NOW.

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Comments Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to Blog

Recent Posts

  • The Tropetastic Kindness Bundle by #RomanceClass
  • Bloom Where You Are Planted
  • #romanceclass news
  • [BLOG TOUR] Play It By Ear by Tara Frejas
  • [BLOG TOUR] No Two Ways by Chi Yu Rodriguez

Recent Comments

  • G. Gonzales on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Jennifer Hallock on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Review || Start Here anthology from #romanceclass – That Bookshelf Bitch on [BLOG TOUR] Start Here by #romanceclass Various Authors
  • My Sacrifice (MSV After Dark) on Coming soon for My Special Valentine After Dark
  • G. Gonzales on My New Life

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

RSS Unknown Feed

Instagram

Instagram did not return a 200.

Copyright 2026 WiP [Work in Progress]