O, kay tulin ng araw…
Hala! Pasko na ulit! Whew! Bilis ng panahon, ano? Kailan lang nagsisimula ang 2013 pero ngayon patapos na.

Christmas Belen by LelandVelasco lelandvelasco.deviantart.com
As usual, ngayon ang panahon para magsaya, magsama-sama, maghanda ng masasarap na pagkain para sa salu-salo. First time ko mag-Pasko dito sa maliit na kaharian ko sa Judyville so ang ‘sama-sama’ lang na mararanasan ko ay magsimba at mag-Noche Buena kasama si Ivy. Nag-invite ang Kuya ko na mag-gift giving on Christmas day so pupuntahan namin siya sa bahay on the 25th. Aabutan lang naman ng kung anu-anong gift bag ‘yung mga nagpupunta sa bahay niya para mamasko. Siguro magkakasya na muna kami sa FaceTime at Viber with the rest of the family.
Speaking of family, pagbibigyan din namin (siyempre, si Ivy pa din ang tinutukoy ko) ang imbitasyon na pumasyal sa kabilang isla. The island that I love, Apo. May adoptive family ako doon, salamat sa pag-introduce sa kanila sa akin ng Kuya Percy ko. Time to look forward to meals of fresh fish and veggies! Yum! Oh, and while we’re there, siyempre, i-introduce ko na lang din si Ivy sa mga pawikan. At kay Nemo, kung andon siya at hindi nagbabakasyon. 😀
Tuwing panahon ng Kapaskuhan din ang time para balikan at pagnilay-nilayan ang nagdaang mga buwan at araw. Simpleng tanong siguro, did you become a better person this year than you were a year ago?
Ako? Hindi, eh. Dami ko pinalagpas na mga pagkakataon. Hindi ko naman ida-down ng husto ang sarili ko by saying wala ako na-achieve at all. Mayroon naman. Kakaunti nga lang. Gagawin ko na lang nang mas mabuti ang lahat sa susunod na taon. O siguro, ngayon na. As in habang ginagawa ko itong mensahe ko. Pero masaya pa din ang naging 2013 ko. Kalat-kalat kami ng pamilya ko pero keribels lang. We connect any way and any time we can. Same with friends. Kapag may panahon, samantalahin lang agad magsama-sama. Lalo na ang layo ko sa kanilang lahat, ‘di ba?
Anyway, here’s to the new year. Here’s to a better year. To more times spent with loved ones, to more chances to show we care and we love.
Have a happy, meaningful and blessed Christmas everyone! 🙂
Comments