Oo na, 3rd world ang Pinas. Oo na, bilang 3rd world, nakakahiya ang maraming bagay sa bansang ito lalo na ang mga airport. Ke liliit na nga, inefficient pa. Mahina ang PA system, mainit, para kang hinoldap kapag kumain ka sa mga kiosk. Ang layo kumpara sa airport ng Hong Kong. O sa Singapore. Lalo na siguro sa Dubai. Siyempre, bilang 3rd World, it is to be expected, corrupt ang gobyerno natin.
Oo, sige, ipagsigawan natin sa mundo 3RD WORLD ANG PILIPINAS!
Tulad ng marami, tanggap ko ‘yan. Minsan (o madalas) naiisip ko din sana makapag-migrate na lang ako sa ibang bansa. ‘Yung mas modern, kahit ba malamang sing-corrupt o mas pa ang gobyerno ng kung saan man ako mapadpad. Kaso ‘di ko naman ‘yun afford. Ikaw afford mo. Kapag kasi nakakabasa ako ng ganiyang rant mula sa iyo, iyong tungkol sa kakulangan ng Pilipinas para sa komportableng buhay mo, you with your Armani wardrobe and your … punyeta ni hindi ko alam kung ano’ng brand pa meron ka dahil hindi naman ako marunong sa mga brands… you sound just a tad bit pretentious, you know? You can’t even speak straight Filipino, I bet.
Pack your bags and migrate elsewhere, why don’t you? And stay there para matigil ka na sa kaka-rant. Tapos may malayang access ka na sa mga designer brands na tinatangkilik mo. I’m sure ni hindi kaya ng designer talampakan mong tumapak sa Baclaran o sa Divisoria.
Nasabi ko na ito noon, uulitin ko ngayon. Sana hindi kita nakilala nang personal para lubos pa din ang paghanga ko sa iyo. Galing na galing pa naman ako sa talent mo. But you’re just a snob. Isang walang kwentang snob.
Comments