Mga ginigiliw kong kababayan,
Sana dahil sa Bagyong Yolanda, bukod sa natuklasan natin kung ano’ng mga kakulangan natin in terms of kagamitan o kahandaan, mas maganda kung natutunan din natin na dapat maging mapanuri sa pagpili ng kandidatong iboboto. Sana pinipili natin iyong totohanang magtatrabaho para sa atin bilang mamamayan, hindi iyong natawag pa silang ‘public servant’ pero nauna nang pinagsilbihan ang sarili. Kunsabagay, ‘public’ din naman sila. ‘Wag na tayong padadala sa mga namimili ng boto. Isipin natin, kasama sa ibinenta nating boto, ibinenenta na din natin ang sari-sarili nating dangal.
Comments