Love Will Lead The Way, the story of Darren and Czarina…
“Maraming salamat sa tulong, Attorney,” narinig niyang sabi ng isang babaeng naunang lumabas mula roon.
“Wala pong problema, tawagan n’yo lang po ako kung may kailangan pa kayo o kaya mag-iwan kayo ng message sa sekretarya ko.”
Napatigil yata siya sa paghinga.
It was a sexy voice. Lalaking-lalaki. Sinabi nga sa commercial, kumbaga sa alak, suwabe ang mainit na hagod. Tagos sa buto. At kung boses pa lang, guwapo na ito, paanong guwapo pa kaya ang hitsura nito lalo at sinabi ni Arby na magandang lalaki talaga itong si Attorney Feliciano?
Huminga muna siya nang malalim pero bago niya nagawang iangat ang mga mata, napuno na ang buong pagkatao niya ng samyo nito at agad na naparalisa ang kanyang pag-iisip. Hindi ito umaalingasaw sa bango. His scent was subtle. Masculine. Iyong tipong nag-uudyok sa nakakaamoy na sumubsob sa leeg nito para singhut-singhutin.
Lumunok siya dahil baka tumulo na nang tuluyan ang laway niya. Saka siya nag-angat ng mga mata.
Aysusmaryosep, Apo Diyos…
May kaharap siyang…
Si Attorney Feliciano ay iyong tipong maiisip mo na iniregalo ng Diyos sa mga kababaihan. Kung tutuusin, medyo typical sa isang Middle-Eastern male ang features nito—makapal at maiitim na pilik na mas malalantik pa kaysa sa kanyang sariling mga pilik. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi na nang mga sandaling iyon ay nakangiti. Pero ang pamatay talaga ay ang kulay tsokolate nitong mga mata na namumungay, giving him that sensual look.
“Attorney, this is Miss Czarina Madarang,” pakilala ng sekretarya. “Kanina pa siya naghihintay.”
“Ganoon ba?” Lumapit ito sa kanya. “I’m sorry to have kept you waiting. Darren Feliciano po, Ma’am. What can I do for you?”
Tinitigan niya ang kamay na inilahad nito sa kanya. He had long fingers. At malapad ang palad nito. Tipong puwedeng mawala ang sarili niyang kamay sa loob niyon.
Na-realize niyang ibinababa na nito ang palad at saka siya natauhan. Hinabol niya ang pakikipagkamay nito. “Hi,” ang pathetic niyang nakayanan. “Ahm, I’m sorry to be taking up your time pero kailangan ko lang sana kayong makausap.”
“No problem.” Bahagya itong ngumiti. “Arby’s sister, right? I see the resemblance.”
The man was a lawyer. Magaling ito sa logic. And he’d probably read Arby’s file. Hindi naman kailangan ng extreme powers of deduction para mahulaan nitong kapatid niya si Arby. At gaya nga ng sinabi nito, magkahawig sila ng bunso.
“Yes, she’s my sister. I need to talk to you about her.”
Bahagyang tumaas ang kilay nito. “I hope it’s nothing serious.”
“I don’t know.” Umiling siya. “Just tell your cousin Giles to leave my sister alone. Hindi namin siya pinag-aral para maging glorified housekeeper lang.”
“Shall we step into my office?” From the looks of it, tila gusto nitong sakalin ang pinsang tinukoy niya.
At sa tindi ng inis na nararamdaman ni Rina, she would gladly help this man.
Watch for it! 🙂
(c) Bookware Publishing Corp. 2013
Comments