Dear family and friends,
Dumaguete/Sibulan (where I live now) is safe. Yes, umulan at nabayo din ng hangin n’ung Yolanda pero malayo po kami sa sentro ng kalamidad. Salamat sa concern at sa pangungumusta. 🙂
Update lang as of today, 12 November, Signal number 1 dahil kay Zoraida. Umuulan po, pero hindi malakas at patigil-tigil naman siya.
I am waiting for better weather to go to Cebu. A friend is on her way to Tacloban to fetch her Mom and daughter and I will meet them in Cebu to provide additional help. Please pray they get out soon.
Panawagan, sana po ‘yung mga makakapag-volunteer, mag-volunteer. Kung hindi niyo kaya, mag-donate. Kung hindi pa din pwede, baka may kaibigan ka na may pamilyang nasa devastated area pa, i-hug mo siya at maging sandalan para sa kaniya. Every little bit of help counts.
Kung ang idea mo ng pagtulong ay magpost nang magpost ng status sa FB at Twitter para i-point out sa mundo na wala kang makita kundi ang kakulangan ng pagkilos mula sa gobyerno, o baka pati si Lord balak mo sisihin sa nangyari at nangyayari, manahimik ka na lang. Mas gusto ng karamihan ‘yun.
That’s it for now. Salamat!
Comments