hindi ako naninikis
hindi ako nagtatampo
ang pananahimik ko ay
hindi dahil ayaw kitang kumustahin
kung may pinagdaraanan kang kung ano
naghihintay lang ako
gusto ko lang maramdaman
pagkalipas ng maraming beses
na ipinakita at ipinadama ko sa iyo
na narito lang ako,
na parating narito lang ako,
gusto ko lang maramdaman
na alam mo iyon
at kahit kailan
pwede ka sa akin tumakbo
(c) jsg/edithjoaquin

Comments