kapag ang reader nag-comment na ang nabasa niyang akda ay mala-true-to-life, naiisip ko… aba dapat lang. dahil iyon naman ang objective ng isang manunulat. iyon din ang batayan ng kagalingan ng may-akda sa paglikha ng kwento. dahil dapat lang maramdaman ng mambabasa ang katotohanan sa likod ng binabasa niya. tama lang na maramdaman niya, ma-involve siya sa mga pinagdaraanan ng mga tauhan ng kwento, fiction man, o fantasy, o kung anuman ang tema ng sulatin.
sana isaisip ito nating mga manunulat. honesty. sincerity. whole-hearted endeavor dapat ang bawat akda. otherwise, our readers will label us fakes.
i don’t want that. do you?
Comments