Copyright infringement… Plagiarism… Para sa maliit ang utak, masyadong malalim ang ibig sabihin niyan. Sisimplehan ko para sa inyo.
‘Yan ay simpleng pambabastos ng isang lathala at ng isang manlilikha. Sige, ita-translate ko ulit, baka ‘di niyo na naman maintindihan eh. By lathala, I mean a published work: painting, music, film, script. I use manlilikha to refer to the creator: an author, composer, the artist, the publisher. At ikaw? Ikaw ang bastos at walang kwentang balahura na kumokopya para:
- angkinin bilang iyo ang nailathala na; o
- i-distribute at pagkakitaan para sa sarili mong bulsa
Kapal ng mukha mo. Hindi pagmamalasakit ang ginagawa mo para sa mga taong hindi maka-afford na na-afford mo. Uulitin ko, pambabastos iyan at isang krimen.
At kung ikaw naman ang tumatangkilik sa mga nakaw na ganito? Hindi ka nakakatipid. Tumutulong ka sa pagpatay ng industriyang hinahabol-habol mo. Ang industriyang bumubuhay sa minamahal at iniidolo mong composer, singer, author.
‘Wag mong gamiting excuse ang pagiging ignorante pagdating sa copyright, intellectual property rights at patent laws. Pwede ‘yan i-research sa internet. Tutal parati ka namang nakababad, ‘di ba? Maano’ng matuto ka gumamit ng Google Search para maintindihan mo?
Isang moral at civil crime ang anumang violation sa intellectual property rights. Gusto mo ba matawag na kriminal? Sana hindi.
Comments