To be a good composer for a musical, it’s not enough to compose one song, and another, and another, and then put them all in sequence. A musical is like a very long song split into several portions. There must be continuity, motif and an emotional thread that stitches all these musical portions together.
The succeeding song picks up from where the previous song left off. Of course, you have to have a good sense a of melody. Pero alam mo na… hindi porke’t maganda, effective na.
~ once upon a time FB status of Vincent de Jesus, award-winning composer and arranger
Ganito rin ang nagiging proseso sa pagsusulat ng nobela. Andiyan ang basic plot mo – simula, gitna, wakas. Pagkatapos, papalamanan mo ‘yan ng mga eksena sa pagitan. Siyempre, sisiguraduhin mo na magkakarugtong at relevant ang mga eksena sa isa’t isa. Pero hindi iyon sapat. Dapat din, may tamang pagkakatugma ang mga eksena mo dahil ang isang nobela, hindi lang ‘yan koleksyon ng magagandang eksena na tinahi para pumuno ng 96 pages na nire-require ng publication. Hindi din sapat na sumusunod iyon sa formula ng romance dahil kumusta naman? Paano na ang logic? Ang pagkakaroon ng sense?
Sa pagbuo ng nobela sana tandaan natin, ang pinakamabisang pantahi ng mga eksena natin ay damdamin. Think harmony. Think unison. Nasabi ko na noon, uulitin ko ngayon. Masarap ang chopsuey. Pero sana sa hapag-kainan lang. 🙂

Comments