WiP [Work in Progress]

Thoughts and ramblings of a Filipino author

  • About
  • Bookshelf
    • Self-published
  • Blog
  • Archive
  • Contact

Sa mga pagkakataon ng paghuhusga

June 26, 2013 • Leave a Comment

Dear novelist EJ,

Reality check.

Tama lang na paniwalaan at itaguyod mo ang sarili mong kakayahan at kagalingan. Kung hindi ka maniniwala sa sarili mo, sino pa ba ang maniniwala sa iyo, hindi ba? Ang tawag diyan ay self-confidence.

Pero ibang usapan ang kayabangan. Hindi dahil naiisip mo na magaling ka, hindi dahil may mga kaibigan at kakilala ka na nagsasabi at ipinaparamdam sa iyo na ikaw ay tunay na talentado, ibig sabihin magaling ka talaga. Na hindi ka karapat-dapat sa paghuhusga ni sa pamumuna.

* from Google Images

Unang una, hindi lang sarili mong paningin at paniniwala (o paningin at paniniwala ng mga taong malalapit sa iyo) ang pamantayan ng kagalingan. Pangalawa, hindi dahil nakapagpalathala ka na ng (higit sa isang) libro, ay tagumpay ka nang matatawag. May tagumpay ka nang nakamit at hindi iyon itatanggi sa iyo. Pero hanggang saan at sa anong kahihinatnan?

Alalahanin mo sana, sa kabila ng katotohanang hindi lahat ng mambabasa ay masisiyahan sa gawa mo kung kaya’t may kalayaan kang isulat ang kung ano’ng gusto mong isulat, dahil lang sa pagkakalathala ng iyong libro ay hinahayaan mo pa din ang sarili mong isailalim ng publiko sa kanilang paghuhusga. Ang publiko na may sari-sariling pananaw, may sari-sariling gusto, may sari-sariling puna.

Mapapabilang at mapapabilang ang gawa mo sa listahan nila ng dapat punahin, maganda man o hindi ang masasabi nila. Kung sakaling iyon ay mala-punyal sa pusong disgusto sa kwento mo, ‘wag mo naman sanang masamain o personalin ang pagpapaabot nila sa iyo (maaaring sa tuwiran o ‘di tuwirang paraan tulad ng isang ‘book review’) ng kanilang pananaw. Sigurado akong hindi naman nila layuning siraan ang pagkatao mo bagaman may mga pagkakataong kulang sa tinatawag na subtlety at finesse ang pagbitiw nila ng salita.

Hindi ko sinasasabing ‘wag ka mag-react na ayon sa inuudyok ng damdamin mo. Magalit ka. Malungkot. Matuwa. Tao ka. Normal iyan. Masakit talagang mapintasan ang isang lathala dahil parang anak iyan. Pinuhunanan ng luha, pawis at dugo.

Sana lang, matapos mo pagbigyan ang bugso ng iyong damdamin, suriin mo ang punang ibinato sa iyo. Baka may nilalaman iyan na dapat mong kapulutan ng aral kahit ba posibleng walang gaanong matalinong basehan ang puna.

Kasi kahit hindi academic in-depth analysis ang pagkaka-husga sa gawa mo, may kahalo iyong damdamin at mabigat iyon bilang basehan ng paghuhusga. Nasasabi niya ang sinasabi niya dahil sa tindi o kawalan ng naramdaman niya habang binabasa ang kwento mo.

Bilang isang manunulat na may malawak na pag-iisip, may matibay na paniniwala sa sariling kakayahan, may tunay na layuning maging mas mabuti pa bilang manunulat, at may kababaan ng loob na amining hindi mo naman alam ang lahat sa karerang ito sa kabila ng ipinagmamalaki mong talino at kakayahan, uulitin ko lang, pigilan mo ang magmayabang.

Good luck sa mga susunod mo pang gawa at alalahanin, hindi nakakababa ng pagkatao ang umamin ng kahinaan at kamalian.

Best wishes,

Your alter-ego Jette

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Leave a Reply to edithjoaquin Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

  1. Sofia Ganda says

    June 30, 2013 at 13:29

    Winner ito, girl!!!!

    Reply
    • edithjoaquin says

      June 30, 2013 at 13:37

      Tenkyu Mare! ^_^

      Reply

Back to Blog

Recent Posts

  • Bloom Where You Are Planted
  • #romanceclass news
  • [BLOG TOUR] Play It By Ear by Tara Frejas
  • [BLOG TOUR] No Two Ways by Chi Yu Rodriguez
  • If only

Recent Comments

  • G. Gonzales on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Jennifer Hallock on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Review || Start Here anthology from #romanceclass – That Bookshelf Bitch on [BLOG TOUR] Start Here by #romanceclass Various Authors
  • My Sacrifice (MSV After Dark) on Coming soon for My Special Valentine After Dark
  • G. Gonzales on My New Life

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

RSS Unknown Feed

Instagram

Instagram did not return a 200.

Copyright 2021 WiP [Work in Progress]