Nakakapanikip ng dibdib
Iyong gayon katindi ang init
Mabigat ang hangin
Kay hirap langhapin
Parang asido ang hapdi
Nasusunog pati budhi
Naliliyo na sa liwanag
Ang mga matang nasisilaw
Tumatanaw sa mga mukhang
Nakatitig, galit, mapang-usig
Isip ay lumulutang
Naghahanap ng kaginhawahan
Sumasaliksik ng patawad
Nagsusumamo ng kapayapaan
Sabay humahaplos sa balat
Ang ningas na nakapapaso
Naglalagablab ang kamatayan
Walang ligtas sa liyab
Sa nakapanghihilakbot na sigaw
Isang huling tawag ng pang-unawa
Nilamon ng apoy ang gabi
Hanggang sa kinabukasan
Abo na lang ang naiwan
*image via Google

Comments