masyado ako maraming gustong sabihin, ni hindi ko alam paano sabihin. pero ang suma total ng lahat ng ito, gusto ko lang magpasalamat.
life begins at 40 daw, at ngayon ang umpisa ng buhay para sa akin. pero kung tatanungin niyo ako, hindi naman ako hindi nabuhay bago ang edad na ito kaya ewan ko lang talaga kung ano’ng ibig sabihin niyan.
salamat sa pagbati, sa mga mensahe at tawag, sa mga dumalo at nakigulo, sa mga nag-iwan ng regalo at iyong kahit walang naiabot, walang katumbas na basbas ang hatid ng pagiging bahagi niyo sa buhay ko.
‘yung mga hindi ko na napasalamatan nang personal, pasensiya na po, gusto ko naman sanang gawin pero mahina po ang kalaban. ahehe… paumanhin din sa mga nagpunta na hindi ko man lang nakausap ni nakumusta. sana naging masaya para sa inyo ang pagdiriwang.
hanggang sa mga taon pang darating, nawa’y makasama ko pa rin kayo sa aking paglalakbay.
Toda rabah! Daghang salamat! Merci Beaucoup! Thank you! Maraming maraming salamat mula sa kaibuturan ng aking puso. ♥
Ad Majorem Dei Gloriam.
Comments