Those who’ve read my latest release from My Special Valentine titled Ikaw Pala ang Minahal might be wondering, what about Nick?
Not to worry, he has a story. And it’s next. Here’s the excerpt of A Piece of Heaven as published from the MSV website:
Pagod si Cielo. Hindi exciting at lalong hindi nakakatuwa para sa kanya ang shopping spree kasama ang kaibigang si Sasha. Nababagot siya sa kaiikot sa mga stalls dahil hindi niya hilig ang mamili ng sapatos na para bang araw-araw ay kailangang iba ang suot niya.
Isa pa, at ewan ba niya kung bakit ito ang hindi ma-gets ng kasama, nanghihinayang siya sa pera. Dahil kahit may trabaho silang matatawag, pareho namang kay liit ng suweldo nila.
Not that she was complaining. Sapat lang iyon dahil sa probinsya sila nakatira. Kung sana ay may mataas na posisyon ang mga ama nila sa army.
Eh, wala.
“Hay naku, Sasha,” umiiling-iling niyang puna, “kapag tayo nawalan pare-pareho ng trabaho, tignan ko na lang kung puwede mong ipantawid-gutom iyang mga sapatos mo.”
“Bakit ba?” Kunot ang noo nitong nagreklamo. “Mura lang ang mga ito.”
“Mura?” ulit niya. “Kung isa lang siguro. Pero kung ganyang limang pares ang binili mo, aba, puwede nang pamalengke para sa isang linggong pagkain ’yan, eh.”
“Ano ba ang pakialam mo?” mataray na balik nito.
Pero sanay na siya rito. “Kasi hindi ka natututo.” Pinamaywangan niya ito. “Noong weekend lang sinamahan kitang bumili ng tsinelas, ’tas ngayon, dahil lang bagong suweldo tayo, namili ka na naman. At kung sana din nagsawa na lang ako ng kasesermon sa iyo tungkol sa value ng pera, sana di ako napipikon ngayon.”
“Hindi ko kasalanan na hindi ako tulad mong okay lang na iisa lang ang pares ng maayos na shoes pang-office ’tas puro na rubber shoes na pang-basketball,” busangot na saad nito bago binilisan ang paglakad para mauna sa kanya.
Napapalatak siya. Siyempre, kahit nakakapikon ang ugali nito minsan, ayaw rin niyang nakakaaway ito. Hahayaan ba niyang mawala ang friendship nila dahil lang conservative at praktikal siya pagdating sa gastusin?
“Sha, ’wag ka nang magtampo,” habol niya. “Ang sa akin lang, sana mag-practice ka kahit konting practicality. I mean, seriously, aanhin mo lahat ng iyan?”
Ngumiwi lang ito bilang sagot. She hoped ang ibig sabihin niyon ay naintindihan siya nito kahit paano. Iyon nga lang, she would never find out dahil napatda ito sa paglalakad nang may mamataan sa naraanang bakuran.
“Sino ’yan?” malakas na bulong nito habang namimilog ang mga matang nakatuon sa binatang nagbubuhat ng mga kahon doon.
Sinipat niya ang tinutukoy nito. “Mah,” aniya, bago muling naglakad palayo.
“Bagong lipat kaya ’yan dito?” Hinatak siya nito at pinigilan.
“Siguro. Bakit ba interesado ka?”
“Wala lang,” anito, hinatak ang bisig niya. “’Lika, mag-hi tayo.”
“Dahil?” singhal niya.
“Dahil hospitable tayong kapitbahay!” Pinandilatan siya nito.
Hindi siya sumagot pero umikot ang mga mata niya at hinayaan na niya ang kaibigan sa gustong gawin. Again.
Nakatalikod sa kanila ang binata nang makalapit sila roon.
“Good evening,” ani Sasha.
Sumulyap ang lalaki pailalim bago ibinaba ang kahon. Nagtaas ito ng kamay para ipahid ang pawisang mukha sa manggas ng suot na t-shirt bago humarap sa kanila.
Ewan lang niya kay Sasha, pero parang tinamaan siya ng kidlat nang makita ang mukha ng binata.
Guwapo ito. Hindi siya madalas maka-appreciate ng guwapo pero hindi niya iyon maitatanggi sa pagkakataong ito. Guwapo talaga ang kaharap nila.
At kung pagbabasehan ang katawan nitong hinuhulma ng suot nitong puting t-shirt, macho itong matatawag. Hindi siya magugulat kung sa ilalim ng kamiseta nito ay makakakita siya for the first time ng pandesal abs.
“Good evening,” nakangiti nitong bati. “Pasensya na, ang dumi ko. Bagong lipat ako dito.”
“Kailan pa?” Si Sasha pa rin ang sumagot.
Ewan ba niya kung bakit parang nairita siya sa tono ng boses nito pati na nang makita niyang kumurap-kurap ito sa lalaki. Aba, sa tinagal-tagal na magkakilala sila ng dalaga, ngayon lang yata ito kumerengkeng.
“Kani-kanina lang,” anito. “Although matagal na ako dito sa area. Sa bayan ako tumutuloy dati.”
Bakit kaya hindi niya ito nakikita roon?
“Talaga?” Muling kumislap ang mga mata ng kasama. “Ano’ng ginagawa mo dito?”
Bahagyang ngumiti ang binata. “Head ako ng community development project sa Tangcal.”
Parang nagtayuan lahat ng balahibo niya nang marinig ang pangalan ng lugar. Although Lanao in general was infiltrated by rebels, iba ang kilabot na naramdaman niya nang banggitin ang Tangcal. May nabalitaan silang na-kidnap doon a couple of years back.
“Really?” Sasha sighed. Talagang gusto na niyang sabunutan ito. “Mahirap ba ’yung project n’yo?”
“Ah, excuse me lang, ’no?” Sumingit na siya dahil asar na asar na siya for being totally ignored and for… “Sha, mauuna na ako at pagod na ako.”
Nakita niya ang pag-aalangan ng kaibigan bago narinig ang pa-cute nitong boses.
“Uhm, okay. Bukas na lang ulit,” paalam nito sa kanya.
Nagtiim ang bagang niya para pigilan ang sarili na magbitaw ng salitang mamaya ay pagsisisihan niya. Walang seremonyang tinalikuran niya ito nang hindi nagpapaalam. Habang padaskol siyang lumalayo, iisa lang ang naiisip niya. Mga babae talaga!
Soon!
(c) Bookware Publishing Corp.
horaeshou says
buti na lang nabasa ko muna toh before i read IPAM..
hindi na ako masyadong naiyak for Nick..
looking forward to this teh! 😉
edithjoaquin says
tsk… sana pala itinago ko muna itey. wahahaha!!! sadista lang. 😀
horaeshou says
hahahaha..kung hindi ko nabasa toh, malamang ngumawa nah naman ako sa twitter teh..tapos magsisindi ng kandila na sana makonsensya ka at bigyan ng happy ending si nick..he’s too good of a person kasi to go to waste..
edithjoaquin says
i almost killed him, lam mo ba? pasalamat ‘yang Nick na ‘yan umapela si Elise para sa kaniya. wehehe!
horaeshou says
waaaaah! maraming tenchu kay ateh elise at nasalba ang gwapo este mabuting kaluluwa ni fafa nick..hahaha..