nabanggit ko nga, malapit nang mag-close down ang Multiply. hindi ko naman maharap na harbatin lahat ng laman ng blog ko sa isang upuan lang so inuunti-unti ko. i found something, tipong panlaglag lang ng sarili. ganito ako ka-adik.
take note: i made this entry at a time when i was still teaching and held a full-time admin position (as CorpComm and Cultural Affairs head) in the local school.
jette: psst! edith! putsa naman, office hours, MS pa din? pasingit naman!
edith: ‘wag ka magulo dyan, kelangan ko tapusin to
jette: e paano yung storyline na gagawin ko? gusto ko na ‘yun i-present kay kuya noh, para masimulan na ni joji yung script. tapos gagawa pa ako ng posterette para dun sa july activity ng school. may plaque pa ako na idedesign. pati yung bagong news article sa website, isusulat ko pa noh! and not to mention, may klase ako in (sumilip muna sa relo) an hour.
edith: arte mo! e kaya mo namang dalhin sa pambobola yung mga studyante mo noh! tsaka ano ba naman ang idi-discuss niyo today? diba sabi mo contents of a marketing plan? o! panis na yun sa yo! anim na taon kang gumagawa ng ganun, kahit tulog ka kaya mo magturo ng ganun noh…
jette: ikaw bruhita ka masyado ka mangatwiran. buti na lang nagawa ko na yung exam ng mga bagets sa high school.
edith: eto na lang ha… kapag ba hindi ako nagtrabaho, may pagkukuhaan ka ng extra money na hindi mo hihingin sa magulang mo?
jette: (speechless)
edith: kapag ba hindi ako nagsulat, matutupad ang mga pangarap mo magkaroon ng more than twenty titles until the end of the year? remember, kailangan mo ng ipon para makapag-dive!
jette: (speechless pa din, naka-irap)
edith: pwes, wag ka na makulit diyan. last chapter na ito. bukas pwede ka na magseryoso sa paggamit ng laptop ko.
jette: aba’t talaga naman… hoy, laptop ko ‘yan, bigay ng mommy at daddy ko ‘yan noh!
edith: whatever
what can I say? schizo nga…
yvierialc says
At least you’re not alone
edithjoaquin says
at sa pagkakaalam ko hindi lang yata ako ang ganiyan. har har! >:)
horaeshou says
oh my gahd! hahahaha..at least may mga kasama pala akong nakikipag-usap at nakikipag-away din pala sa sarili..ang cuuuute! hahaha..
edithjoaquin says
goddess! haha! uh-huh! minsan actually MPD ang sakit ko bilang nakikipag-usap ako sa lahat ng characters ko. kelerki… 😀
horaeshou says
i’ve proclaimed myself teh with MPD bilang isa akong dakilang baliw..hahaha..pero when you talk to your characters, kayo ni ateh den, it’s so cute! lalo silang nabubuhay sa isip ko.. 🙂
edithjoaquin says
that’s why i love having conversations with her sa ganiyan. sobrang nakaka-enjoy kasi …. ahm… lalo talagang nabubuhay kung ga’no kae-epal mga lekat na ‘yan sa buhay namin. ahaha!….. ano’t masama tingin mo saken Major? >:|
horaeshou says
hi major! hahaha..muntik nang makalimutan ang sasabihin dahil kay major.. ;D
narinig/nabasa niay yata yung ‘epal na lekat” portion teh..malamang magmarakulyo yan..hahaha..
edithjoaquin says
eh epal naman talaga siya noh. 😀
horaeshou says
isang epal pero hindi kakayaning mawala teh? 😀
edithjoaquin says
ahay! oo naman! ahaha! lab ko yan kahit ganiyan yan. 😀
horaeshou says
ayieh! kinikilig ako..hahaha..
edithjoaquin says
akalain mo? haha!
horaeshou says
hanggang kilig na lang teh..baka pag sinabi kong nagnanasa ako kay major, regaluhan mo ako bigla ng IED..hahaha..
edithjoaquin says
tomoh!!! ahaha!!!