Unang araw ng Setyembre. Malapit na natin marinig ang mga awiting pamasko sa mga radyo, sa PA systems ng mga mall at kung saan pang establishments. Oh, wait! Tumutugtog na pala sila! Nakiuso pa nga ako. Nagpatugtog ako dito sa bahay ng CD ni Josh Groban.
Unang araw ng Setyembre at ako ay nakakaranas sa kinaroroonan ko ng ulan sa unang pagkakataon makalipas ang maraming linggo ng purong init. Opo, mga kaibigan, kahit noong humahagupit ‘yung habagat sa Manila, namamawis ako hanggang singit dahil napakainit dito. Ewan ko lang kung dala ito ng lindol na naramdaman namin dito samantalang ang origin ay sa dagat, ilang kilometro ang layo mula sa Borongan, Eastern Samar. Istorbo naman ang lindol, bente minutos pa lang ng panonood namin ni Ivy Claire ng I Do Bidoo Bidoo, umarya na. Oh, well. Buti na lang wala naman yatang major damage.
Anyway, mabalik tayo sa unang araw ng Setyembre….
Anakngtokwa, nawala lang basta ang Agosto? Malapit na deadline ko!!!
Diyan na muna kayo. Uunahin ko trabaho. Mamaya na ang chika. 😀