WiP [Work in Progress]

Thoughts and ramblings of a Filipino author

  • About
  • Bookshelf
    • Self-published
  • Blog
  • Archive
  • Contact

What about Nick?

September 10, 2012 • 6 Comments

Those who’ve read my latest release from My Special Valentine titled Ikaw Pala ang Minahal might be wondering, what about Nick?

Not to worry, he has a story. And it’s next. Here’s the excerpt of A Piece of Heaven as published from the MSV website:

Pagod si Cielo. Hindi exciting at lalong hindi nakakatuwa para sa kanya ang shopping spree kasama ang kaibigang si Sasha. Nababagot siya sa kaiikot sa mga stalls dahil hindi niya hilig ang mamili ng sapatos na para bang araw-araw ay kailangang iba ang suot niya.
Isa pa, at ewan ba niya kung bakit ito ang hindi ma-gets ng kasama, nanghihinayang siya sa pera. Dahil kahit may trabaho silang matatawag, pareho namang kay liit ng suweldo nila.
Not that she was complaining. Sapat lang iyon dahil sa probinsya sila nakatira. Kung sana ay may mataas na posisyon ang mga ama nila sa army.
Eh, wala.
“Hay naku, Sasha,” umiiling-iling niyang puna, “kapag tayo nawalan pare-pareho ng trabaho, tignan ko na lang kung puwede mong ipantawid-gutom iyang mga sapatos mo.”
“Bakit ba?” Kunot ang noo nitong nagreklamo. “Mura lang ang mga ito.”
“Mura?” ulit niya. “Kung isa lang siguro. Pero kung ganyang limang pares ang binili mo, aba, puwede nang pamalengke para sa isang linggong pagkain ’yan, eh.”
“Ano ba ang pakialam mo?” mataray na balik nito.
Pero sanay na siya rito. “Kasi hindi ka natututo.” Pinamaywangan niya ito. “Noong weekend lang sinamahan kitang bumili ng tsinelas, ’tas ngayon, dahil lang bagong suweldo tayo, namili ka na naman. At kung sana din nagsawa na lang ako ng kasesermon sa iyo tungkol sa value ng pera, sana di ako napipikon ngayon.”
“Hindi ko kasalanan na hindi ako tulad mong okay lang na iisa lang ang pares ng maayos na shoes pang-office ’tas puro na rubber shoes na pang-basketball,” busangot na saad nito bago binilisan ang paglakad para mauna sa kanya.
Napapalatak siya. Siyempre, kahit nakakapikon ang ugali nito minsan, ayaw rin niyang nakakaaway ito. Hahayaan ba niyang mawala ang friendship nila dahil lang conservative at praktikal siya pagdating sa gastusin?
“Sha, ’wag ka nang magtampo,” habol niya. “Ang sa akin lang, sana mag-practice ka kahit konting practicality. I mean, seriously, aanhin mo lahat ng iyan?”
Ngumiwi lang ito bilang sagot. She hoped ang ibig sabihin niyon ay naintindihan siya nito kahit paano. Iyon nga lang, she would never find out dahil napatda ito sa paglalakad nang may mamataan sa naraanang bakuran.
“Sino ’yan?” malakas na bulong nito habang namimilog ang mga matang nakatuon sa binatang nagbubuhat ng mga kahon doon.
Sinipat niya ang tinutukoy nito. “Mah,” aniya, bago muling naglakad palayo.
“Bagong lipat kaya ’yan dito?” Hinatak siya nito at pinigilan.
“Siguro. Bakit ba interesado ka?”
“Wala lang,” anito, hinatak ang bisig niya. “’Lika, mag-hi tayo.”
“Dahil?” singhal niya.
“Dahil hospitable tayong kapitbahay!” Pinandilatan siya nito.
Hindi siya sumagot pero umikot ang mga mata niya at hinayaan na niya ang kaibigan sa gustong gawin. Again.
Nakatalikod sa kanila ang binata nang makalapit sila roon.
“Good evening,” ani Sasha.
Sumulyap ang lalaki pailalim bago ibinaba ang kahon. Nagtaas ito ng kamay para ipahid ang pawisang mukha sa manggas ng suot na t-shirt bago humarap sa kanila.
Ewan lang niya kay Sasha, pero parang tinamaan siya ng kidlat nang makita ang mukha ng binata.
Guwapo ito. Hindi siya madalas maka-appreciate ng guwapo pero hindi niya iyon maitatanggi sa pagkakataong ito. Guwapo talaga ang kaharap nila.
At kung pagbabasehan ang katawan nitong hinuhulma ng suot nitong puting t-shirt, macho itong matatawag. Hindi siya magugulat kung sa ilalim ng kamiseta nito ay makakakita siya for the first time ng pandesal abs.
“Good evening,” nakangiti nitong bati. “Pasensya na, ang dumi ko. Bagong lipat ako dito.”
“Kailan pa?” Si Sasha pa rin ang sumagot.
Ewan ba niya kung bakit parang nairita siya sa tono ng boses nito pati na nang makita niyang kumurap-kurap ito sa lalaki. Aba, sa tinagal-tagal na magkakilala sila ng dalaga, ngayon lang yata ito kumerengkeng.
“Kani-kanina lang,” anito. “Although matagal na ako dito sa area. Sa bayan ako tumutuloy dati.”
Bakit kaya hindi niya ito nakikita roon?
“Talaga?” Muling kumislap ang mga mata ng kasama. “Ano’ng ginagawa mo dito?”
Bahagyang ngumiti ang binata. “Head ako ng community development project sa Tangcal.”
Parang nagtayuan lahat ng balahibo niya nang marinig ang pangalan ng lugar. Although Lanao in general was infiltrated by rebels, iba ang kilabot na naramdaman niya nang banggitin ang Tangcal. May nabalitaan silang na-kidnap doon a couple of years back.
“Really?” Sasha sighed. Talagang gusto na niyang sabunutan ito. “Mahirap ba ’yung project n’yo?”
“Ah, excuse me lang, ’no?” Sumingit na siya dahil asar na asar na siya for being totally ignored and for… “Sha, mauuna na ako at pagod na ako.”
Nakita niya ang pag-aalangan ng kaibigan bago narinig ang pa-cute nitong boses.
“Uhm, okay. Bukas na lang ulit,” paalam nito sa kanya.
Nagtiim ang bagang niya para pigilan ang sarili na magbitaw ng salitang mamaya ay pagsisisihan niya. Walang seremonyang tinalikuran niya ito nang hindi nagpapaalam. Habang padaskol siyang lumalayo, iisa lang ang naiisip niya. Mga babae talaga!

Soon!

(c) Bookware Publishing Corp.

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Tuloy Ang Byahe

September 10, 2012 • Leave a Comment

Show some love! Join the Noel Cabangon Fansign Contest and you could win two (2) tickets to his Tuloy ang Byahe concert on September 28, 2012 at the Music Museum!

Mechanics:
1. Take a photo of yourself with a fansign for Noel Cabangon. Show us your creativity! You can include your message for Noel Cabangon, or why you support OPM.

2. Send you fansign photo to tuloyangbyaheconcert@gmail.com and we will upload it to the Noel Cabangon Fansign album on Facebook.3. Ask your friends to Like the Philippine Educational Theater Association (PETA) Fan page before Liking your entry. The entry with the most number of Likes received will win two (2) tickets to Noel Cabangon’s Tuloy ang Byahe Concert on September 28 at the Music Museum.

4. Contest duration is from September 10, 2012 (Monday) until 5PM of September 13, 2012 (Thursday). Winners will be announced on September 14, 2012 (Friday).

 

Image

For tickets, www.ticketworld.com.ph/

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

I’m schizophrenic….

September 8, 2012 • 14 Comments

nabanggit ko nga, malapit nang mag-close down ang Multiply. hindi ko naman maharap na harbatin lahat ng laman ng blog ko sa isang upuan lang so inuunti-unti ko. i found something, tipong panlaglag lang ng sarili. ganito ako ka-adik.

take note: i made this entry at a time when i was still teaching and held a full-time admin position (as CorpComm and Cultural Affairs head) in the local school.

 

 

jette: psst! edith! putsa naman, office hours, MS pa din? pasingit naman!

 

edith: ‘wag ka magulo dyan, kelangan ko tapusin to

 

jette: e paano yung storyline na gagawin ko? gusto ko na ‘yun i-present kay kuya noh, para masimulan na ni joji yung script. tapos gagawa pa ako ng posterette para dun sa july activity ng school. may plaque pa ako na idedesign. pati yung bagong news article sa website, isusulat ko pa noh! and not to mention, may klase ako in (sumilip muna sa relo) an hour.

 

edith: arte mo! e kaya mo namang dalhin sa pambobola yung mga studyante mo noh! tsaka ano ba naman ang idi-discuss niyo today? diba sabi mo contents of a marketing plan? o! panis na yun sa yo! anim na taon kang gumagawa ng ganun, kahit tulog ka kaya mo magturo ng ganun noh…

 

jette: ikaw bruhita ka masyado ka mangatwiran. buti na lang nagawa ko na yung exam ng mga bagets sa high school.

 

edith: eto na lang ha… kapag ba hindi ako nagtrabaho, may pagkukuhaan ka ng extra money na hindi mo hihingin sa magulang mo?

 

jette: (speechless)

 

edith: kapag ba hindi ako nagsulat, matutupad ang mga pangarap mo magkaroon ng more than twenty titles until the end of the year? remember, kailangan mo ng ipon para makapag-dive!

 

jette: (speechless pa din, naka-irap)

 

edith: pwes, wag ka na makulit diyan. last chapter na ito. bukas pwede ka na magseryoso sa paggamit ng laptop ko.

 

jette: aba’t talaga naman… hoy, laptop ko ‘yan, bigay ng mommy at daddy ko ‘yan noh!

 

edith: whatever

 

 

what can I say? schizo nga…

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Words that inspire

September 6, 2012 • Leave a Comment

He’s one of my most favorite authors of all time. I was introduced to him by friends although I had, unknowingly, loved a creation of his since I was in school. When he first came to the Philippines in 2005, my friends and I declared a holiday from work to be able to attend a symposium where he’s the guest speaker, and then follow him to Fully Booked in Gateway Mall, Cubao to have our books signed.

And here, I want to share some of his thoughts, thoughts that inspire writers like me, and which I hope will also inspire aspiring writers who persistently ask for help in writing.

Peeps, Neil Gaiman…

Image

Image

And this is fangirl me with him…

Image

after 6 hours lining up, i get to have my book signed. 🙂

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email

Few are chosen

September 2, 2012 • Leave a Comment

I am not so well-known as to get requests from readers to have their names and love stories used for my manuscripts. But I have had my share. And always, I would say, best effort po. Bahala na. I can’t commit.

Why is that, you ask?

It’s this:

Books choose their authors; the act of creation is not entirely a rational and conscious one. – Salman Rushdie (Indian-born British Author)

I’m the type of writer who cannot impose on my characters. They choose their names, they choose who they want for a partner, they choose their plot, they choose their lives.

If I insist on what I want, I will end up just staring at my manuscript, not knowing how to proceed because my #@*%&!!! hero and/or heroine is/are glaring at me for giving them outrageous and/or hideous (alam niyo, OA kayo eh) names/partners/jobs.

So, while I will not discourage my readers from asking, and while I will keep saying, sige, try natin to any and all requests, please also understand why there is a bigger possibility that you will not ever end up in my manuscript. Those who do are special.

They were chosen.

Share

Facebook Google+ Twitter Pinterest Email
  • Newer
  • 1
  • …
  • 52
  • 53
  • 54
  • 55
  • Older

Recent Posts

  • The Tropetastic Kindness Bundle by #RomanceClass
  • Bloom Where You Are Planted
  • #romanceclass news
  • [BLOG TOUR] Play It By Ear by Tara Frejas
  • [BLOG TOUR] No Two Ways by Chi Yu Rodriguez

Recent Comments

  • G. Gonzales on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Jennifer Hallock on [COVER REVEAL] The Secrets That We Keep by #HeistClub New Blood
  • Review || Start Here anthology from #romanceclass – That Bookshelf Bitch on [BLOG TOUR] Start Here by #romanceclass Various Authors
  • My Sacrifice (MSV After Dark) on Coming soon for My Special Valentine After Dark
  • G. Gonzales on My New Life

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

RSS Unknown Feed

Instagram

Instagram has returned invalid data.

Copyright 2025 WiP [Work in Progress]