“I wish I could wipe away the sadness in your eyes, the pain in your heart,” ani Mon.
“In the short time I got to know you,” tugon ni Kat, “I have come to like the person you turned out to be. Kaya lang takot na takot ako, Mon. Hindi ko alam kung paano kita iha-handle.”
“Honestly, natatakot din ako. Can’t we just get scared together?”
Tumitig si Kat kay Mon, pinipilit basahin ang sincerity sa mga mata nito. Then gravity worked its magic. Naglapit ang mga mukha nila at naglapat ang kanilang mga labi.When they pulled apart, kaiba ang nadama ni Kat sa kaniyang puso. Yes, she could love this man. And she could let him love her. She decided that loving again wasn’t so hard, after all. It was beautiful…
Trivia:
i was enrolled in a workshop sa PETA – Filipino Improvisational Theater. may classmates ako noon, parehong seminarians at may crush sa iisang girl. sila ang naging inspiration ng kwento although sa story mismo, yung ex lang ng heroine ang pumasok sa pagpapari. marami ang may akala na ang kwentong ito ay tungkol sa nagtapos na 5-year relationship ko lalo na kasi ramon ang pangalan nung hero (my ex’s real name).
nasaan na sila ngayon, i mean yung mga inspirasyon? yung isa, nagtutuloy pa din sa pagpapari, yung isang guy, lumabas na at hindi ko ma-sure kung asan na ngayon at yung girl, happily married with one kid (the last time i heard from friends).