“Masamang biro ‘yan, Greg,” singhal ni Julie nang marinig ang alok nito na magpanggap siya bilang fiancee nito sa harap ng parents ng binata. Si Eliza, ang pinsan niyang siyang tunay nitong nobya ay bigla na lang nag-hibernate sa kung saan. “Two weeks from now na ang wedding ninyo. ‘Wag mong sabihing pati iyon i-stage natin!”
“We won’t have to, but you have to trust me. Hindi kita ipapahamak, Julie,” pagmamakaawa nito.
Parang script ng isang true-to-life telenovela ang kaniyang narinig. Nababaliw na yata si Greg. At parang nahahawa siya. Because Julie found herself actually considering his mad proposal… and eventually accepting it.