Sa buong career niya bilang PDEA agent, hindi pa naranasan ni Ivy ang ganitong klase ng panic attack. Kahit pa noong minsan na pinaulanan sila ng bala ng nahuli nilang suspect na mas hi-tech pa ang armas kaysa sa hawak ng buong team nila. Iyon na ang pinakamatinding operation na nagawa nila.
Ngayon, may tumawag lang na nagtatanong ukol sa pinag-aaralan niyang kaso. Maaaring maging daan ito upang magkaroon na ng linaw ang ilang detalye sa case at nang magawan na iyon ng kaukulang aksyon para matapos. Pero nagbanggit ang kausap niya ng isang pangalan—pangalan ng natatanging lalaking minahal niya.
At hindi pa siya handang harapin si Sheridan Gatdula at ipaliwanag kung bakit hindi siya sumipot sa kasal nila noon….
Trivia:
* Yes, the heroine is, indeed, Ivy Claire. Reader, housemate, alaga, all-around Inday, beloved friend. While some of the situations narrated in the book are actual events that happened to her, no, Sheridan is someone I created for her. 😀
* It took a while for me to finish this story because Sheridan, nicknamed Danny at the time, probably didn’t like being called Danny. He was Danny because… ask Ivy. hahaha! I guess my dislike for the real Danny rubbed off on Serge and of course, what hero would want to be at odds with his author. Ya?
* I posted the excerpt some time ago, here.
* Cover peg is James Franco.