Noong makasama ni Pia si James sa Vietnam, saka niya napatunayan na gentleman pala ito at palatawa. Noon kasing magkatrabaho pa sila, wala silang ginawa kundi magsagutan. Saksakan ng sungit ang binata at parang siya parati ang napapagbuntunan ng stress nito. Ang mas nakakaasar, she was finding him very attractive pero pinapansin lang siya ng lalaki para awayin.
Ngayong mas magaang na itong kasama
, muling nabuhay ang attraction na iyon sa puso ni Pia. Pero hantaran naman nitong sinabi na bagaman maganda nga siya sa tingin nito, hindi siya ang tipo nito.
Well, excuse her, lalong hindi niya ito type—err, iyon ang kasinungalingang ipamumukha niya sa James na iyon!
Trivia:
July 2008 nagbakasyon ako sa Vietnam (first time ko doon!). ang original sana na plano ay 4 girls kami with our friend na guy. eh parang ako lang ang nakaipon ng enough money at the time para tumuloy. i had thought na wala na talagang mangyayari kasi di ko din sure kung okay si Jon tumuloy na ako lang ang kasama. but he was okay with the idea of just me as a companion, and so we went. at dahil romance novel writer ako, kinakitaan ko ng magandang anggulo ang bakasyong iyon. (fine! oo na, hindi lang pang-nobela ang nakita kong anggulo nung time na yun!) so eto, nabuo ang kwento ni James at ni Pia.
cover peg (supposedly) are Ken Watanabe (kasi singkit din si Jon, eh) and Catherine Zeta-Jones.