I’d been on a slump at the time. Then I get this YM from bff Queng and she demanded I start writing. She said,
Write something about a writer who can’t write, and I dunno, a has-been director who’s been laid off and make the story something like Music and Lyrics. I will check back with you in two hours, I want to see something.
Talk about bullying…
It paid off, ya know. It’s lined up for release soon, of course, from MSV. 🙂
The story of Gerardo and Mikaela:
“So what do you do for a living?” narinig ni Gerardo na tanong ni Mikaela habang naglalakad sila at may tulak na tig-isang shopping cart sa aisle sa grocery store.
Sumulyap siya rito. “I used to be a director.”
“Used to be?” Kumunot ang noo nito, lumarawan ang pagkalito sa magandang mukha. “In between jobs ka ngayon? Nag-try ka lang sa directing, you mean?”
“Baka mag-retire na ako kung walang darating na project within the next few months.”
“Teka, retire?” Lalong nagsalubong ang kilay nito. “But you don’t look old enough to retire… Director ka ba ng ano? Sa stage?”
“Sa TV, saka movies,” pagtatama niya.
“Talaga?” Excited at namimilog ang mga mata nitong bumaling sa kanya. “Nakatrabaho mo ba ever si Dingdong Dantes?”
“Maraming beses.” Tinitigan niya ang hilera ng cup noodles.
“Oh, my God! Crush na crush ko ’yun!” Maningning ang mga mata nitong itinuon sa kanya at pumapalakpak pang idinagdag, “Ang exciting ng trabaho mo.”
Nginitian niya ito nang may bahid na lungkot. “Hindi na siguro.”
Bumalik ang kunot nito sa noo. “Bakit? Ano’ng nangyari at ganyan ka magsalita?”
Kinagat-kagat niya ang pang-ibabang labi habang nag-iisip kung sasagutin ba ang tanong nito. Maybe he owed her that. Ibinahagi nito ng tungkol sa buhay at nakaraan nito.
Sa pagitan ng pamimili ng grocery items, ikinuwento niya rito ang pinagdaanan mula noong nadiskubre pa lang ang talento niya hanggang nitong mga huling buwan kung kailan naging hadlang imbis na asset ang pagiging metikuloso niya sa trabaho.
“In the end,” pagtatapos niya, “pinili ko na lang mag-resign from work kaysa iyong hindi maluwag sa loob ko ang ginagawa ko. Nawawalan na ng saysay ang pagiging creative ko dahil nabuburo ako sa kasusunod sa kung ano’ng gusto nila. Nawawalan na din ako ng tiwala sa sarili kong mag-isip ng akala ko ay maganda pero babarilin lang nila.”
“That… sucks,” anito.
“Yeah,” aniya. “That’s showbiz.”
“’Di ko yata kakayaning maging part ng mundong iyan. I think masyado akong vulnerable for that.” Parang kinilabutan pa ito.
“Hindi lang naman sa showbiz nangyayari ’yung parang basura tinatrato ang trabaho mo, di ba? Kahit saang trabaho puwedeng gawin iyon sa iyo ng superiors mo.”
“Not my editor.” Umiling nito.
“Writer ka?” May paghanga sa tinging iginawad niya rito. Kindred spirit siguro niya ito. Isang artist.
Napangiti ito. “Opo.”
“Ng?”
“Romance novels.”
“Wow!” Napataas ang kilay niya in appreciation. “Nakapag-publish ka na ng work?”
“Marami-rami na,” sagot nito na sinundan nito ng medyo malungkot na buntong-hininga.
“What was that for?” usisa niya.
Naglakad ito palayo sa kanya, tulak-tulak ang grocery cart.
“Hey,” habol niya. “May kinalaman ba dito ’yung sinasabi mo kanina tungkol sa rejection?”
Alanganin ang ngiti nito. “Slight.” Kumuha ito ng lata ng tuna. “Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa akin lately. Dati ang bilis-bilis ko nang makasulat. Takes me about two weeks para matapos ang isang novel na nasa hundred fifty pages.”
“And now?” untag niya.
Nagkibit-balikat ito. “The other day lang nag-pass ako ng manuscript. Huli akong nagpasa more than a month ago pa. ’Tapos ngayon, di ko na naman sure kung ano’ng gagawin ko para sa next story ko.”
“Uninspired ka ba?”
“Ewan ko ba.” Umiling ito habang kinakapkap ang bulsa ng suot na jeans. “Kasi iniisip ko, kung uninspired ako, wala akong ideya kung ano’ng isusulat ko. Eh, marami nga akong ideya pero…” Kung anuman ang hinahanap nito, mukhang nakaapekto iyon sa gusto nitong sabihin. “Hala, iniwan ko ’yung isang wallet ko nga pala.”
“Ha? Naiwan o nawala mo?”
“Hindi ko ’yun nawala.” Umiling ulit ito. “Iniwan ko sa bahay kasi sabi mo magbi-breakfast lang tayo.” Itinaas nito ang hawak na kulay pulang pouch. “Coin purse ko lang ito. Puro barya laman nito.”
Tiningnan niya ang laman ng cart nito. Hindi iyon puno pero medyo marami.
“Charge na lang muna natin sa card ko,” alok niya.
Namilog ang mga mata pati na ang bibig nito. “Uy, ‘wag na, nakakahiya. Ibabalik ko na lang ’yung iba. ’Yung shampoo ’tsaka tinapay na lang ang kukunin ko. Marami pa akong supplies sa bahay, na-distract lang ako sa kadadaldal kaya panay ang kuha ko ng items.”
“Sure ka?” Niyuko niya ito.
Tumango ito pero parang may pagkapahiya sa ngiting iginawad nito.
“Kasi… may kasalanan ako sa iyo kaya nakakahiya din.” Kinagat-kagat nito ang dulo ng daliri nito. “I mean, bukod dun sa nasira ko ’yung kotse mo. I’m sure kung alam mo, hindi ka magpiprisintang gawin ’yan.”
Pinaningkitan niya ito. “Mayroon ka pang nagawa bukod sa nabasag mo ’yung windshield ko?”
Nagsimula siyang maglagay ng mga pinamili sa check-out counter habang hinihintay itong magsalita.
“Kasi,” umpisa nito, napapakamot sa ulo. “’Yung huli kong ipinasa na manuscript… Pero ’wag kang mag-alala, na-reject naman iyon.”
“Ano’ng kinalaman ko sa huling manuscript mo?” Medyo kalahati lang ng atensyon niya ang narito dahil binabantayan niya ang pag-i-scan ng mga items na kanyang binili.
“Pinasagasaan kita sa truck ng basura sa story ko.”
oh, and, i’ve a surprise for everyone for this. hihi! but i’ll let you guys in on it later on. 🙂
isa lang masasabi ko, bagay kay ____ yan. masagasaan ng trak. splat!
ay, maraming ganyan! bwaahahahaha!!!
WAHAHAHAHA! Ate,excited ako sa susunod. hehehe,
hehe! antay antay konti. baka matagal-tagal pa ito. 🙂
natawa ako ng bongga sa text ni ateh queng..
spell demanding?
hahahaha..
pero ang cute!
i’m excited for this teh!
nakakaintriga bakit siya pinasagasaan..
hahaha..
ay, hindi siya sa text nakikipag-usap! naka-YM yan! as in! tas after 2 hours aba, nag-pop up ulit para mangulit! kaloka.
hahahaha..
parang general eh, nag-check talagah ulit after ng sinabing oras..
bully siya! B-U-L-L-Y!!!
hahahaha..
a bully with a good heart?